YBS: Chapter 4

91 4 0
                                    

"Alam nga din pala namin ang schedules mo." naisip ko lang sabihin. Totoo, alam namin ni Rancis.

"Paano?" parang nagulantang siya sa sinabi ko.

"Block section ba naman. Syempre, madali na lang yun.. Tanong tanong, maganda kasi ako kaya madali maakit ang kablock mo sakin." ang hangin ko na!

"Ay hindi lang pala sakin. Pati din pala yung bestfriend ko." pahabol ko. Para naman mas lalong macurious siya.

"Actually, mas maganda pala ang bestfriend ko saken." sunod na pahabol. Haha.

"Bagay nga siguro kayo."

We? Singit ng puso ko.

Oo. Bagay sila. At sa unang una, sila na talaga ang bagay. Sumingit lang ako, parang ikaw. Singit ng singit.

Aish.

Baliw na ba ako? Nakikipagtalo ako sa sarili ko.

Finals na namin at, bakasyon na! Nakapagmoved on na yung bestfriend ko nun kay Ezra tsaka kay Charlie pero,

"Kahit na ganun. Siya pa din ang love of my life ko. Wala na siguro makakapigil kahit na may girlfriend na siya balang araw man." mahinang sabi niya.

"Tsaka nakita ko nga siya kanina eh, kaya naman ginanahan ako sa exams. Yung ngiti niya, napakatamis! Pati yung labi niya. Ang sarap halikan. Pati yung--"

"Hep. Pwede ba? Kung magpakilala ka na kaya? Diba? Hindi yung puro imagine ka lang. Para naman maging reality yang mga sinasabi mo." suggest lang naman. Nakakasawa na rin yung ganto.

"Hindi pwede. Masisira ang plano ko." seryosong seryoso yung mukha niya.

"Plano? Aba share! Nagsesekreto ka na ba sa maganda mong bestfriend?"

"Self proclaimed Jay! Awww. Ikaw na. Ikaw na ang maganda."

"Pero seryoso." ngayon niya lang nabanggit yun.

"Malalaman mo din naman yun. Hindi lang ito ang tamang panahon. Okay?" tumango tango na lang ako. I trust her. Siguro nahihiya pa siyang malaman ko. Maghihintay naman ako. Bwahaha. Drama.

"Sige, I'll wait."

-

2nd week ng bakasyon yun ng biglang tumawag saken si bestfriend.

"Jay!!!!!!!!" sakit naman sa tenga! Ang aga aga.

"Ano yun? Bakit may sigaw sigaw effect?"

"Ang tanga ko! Ang tanga ko talaga! " o? Anong nangyare?

"Ha?"

"Alam mo bang pinsan pala ni Charlie si Ezra? Ang tanga diba? Nagmaktol ako nun. Tanga! Ugh. Stalker nga ako kuno pero bakit di ko alam? Ay mali, secret admirer pala."

"So? Ano bang pinuputok ng butsi mo diyan?!" naiinis na sabi ko. Ano ba pinaglalaban niya?

"Wala lang. Napatunayan ko lang na ang tanga ko." tuwang tuwa pa yata siya?

"Pero natutuwa talaga ako." sabi na eh.

"Akalain mo yun, parang baliw ako nung time na yun tapos wala naman pa lang sila."

"Ayan. Akala ko ba kasi mistulang stalker ka? K fine! Secret admirer, tapos di mo alam? Tsaka ngayon mo lang nalaman na tanga ka talaga? Pagdating kaya kay Charlie nagiging tanga ka.." di siya agad sumagot.

Your Beautiful StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon