YBS: Chapter 2

183 6 0
                                    

"Ano? Sisimulan ko na ba?" tanong ko. Binasag ko lang ang katahimikan na nababalot saming dalawa.

Nandito kame ngayon sa bench na nakaupo kung saan kaharap lang namin yung field. Duluhan kame. Ako sa right, siya sa left.

Sigurado na talaga ako sa pagsabi sa kanya. Hindi na lang ako makikipag eye contact at baka mahimatay ako.

Napangiti naman ako ng may matandaan ako. How I miss her. Yes, her.

"Alam kong naeexcite ka ng malaman." may halong sarcasm na pagkakasabi ko. Iniinis ko lang naman siya para hindi masyadong awkward.

"Alam mo? Kung simulan mo na? Diba?" galit siya. Oo galit. Pero pinipigilan niya lang.

Nagsimula na akong magkwento.

--Flashback--

"Psst. Sino ba yang sinisilip mo diyan?" tanong ko sa kanya. Mukha kasi siyang baliw.

Nandito kami sa field ngayon. Kakalabas ko lang sa 2nd subject ng makita kong nagtatago siya sa isang malaking puno.

"Nakita ko na siya Jay!" kumunot naman ang noo ko ng sinabi niya iyon.

"Tignan mo! Yung nakared na tshirt. Ang gwapo niya diba?" tinignan ko naman yung nakared. Oo. Gwapo siya. Pero teka nga.

"So?"

"Anong so? Nakita ko na ang love of my life ko! Ahii." nagblush pa siya ng sinabi niya yang linya na yan.

"Hindi mo naman siya gusto diba? Diba hindi naman? Huy jay! Hindi diba?" paninigurado niya saken.

"Ha?" nagfake smile ako.

"Ah oo. Ano ka ba. Ngayon ko nga lang nakita yang lalaki na yan." which is true. Ngayon lang talaga. Tsaka 2nd day palang namin dito sa school na 'to as college.

"Haaay!" naglakadlakad siya na para bang nakasakay sa unicorn. Yeah. I don't know what to call it pero mukhang inlababo siya.

"Ngayong nakita ko na ang love of my life ko, di ko na aalisin ang pagtingin ko sa kanya." ang creepy naman nung sinabi niya. Mukha siyang killer pero in a good way na papatayin niya yung lalaking yun sa pagmamahal niya.

"Love of my life?" paninira ni Charlie sa pagflash back ko. Tumango ako.

"Ang corny niya diba? 2nd day pa lang, nainlove ka agad siya. Ang bilis niya lang mainlove."

"Sino ba kasi--" hininto ko ang pagsasalita niya. Sino siya?

"Teka. Madami pa akong ikwekwento. At sa tingin ko kailangan nateng iskip lahat ng class naten ngayon dahil mahaba haba ito." crazy. Dapat hindi ko naman sabihin sa kanya ang lahat. Pero tama na. Ako ang saksi ng pagmamahal niya. Yung babaeng kasama ko sa flashback.

"Jay!" tuwang tuwa siya na lumapit saken. 2nd week na namin sa college.

"Guess what?"

"What?" kinakabahan talaga ako sa mga ganyang tanong!

"Charlie ang pangalan niya Jay! Pangalan pa lang ang gwapo na diba? Charlie. Charlie Dimayug Zeran. Charlie.. Ahii." nagblush na naman siya. Ilang beses niya pang binanggit yung pangalan na yun.

"Pano mo naman siya nakilala?" ngumiti siya. Yung bang aabot na sa langit? Kung hindi ko lang bestfriend 'to, sinapak ko na 'to.

"Tinanong ko kay Sir Rino."

"Yung bakla na prof?" tumango siya at nagsalita,

"Hindi ko ba nakwento na tito ko in a far far far away si Sir Rino? Tska makabakla ka naman!" edi sana hindi ko na tinanong diba?

"Ahhh! Nakwento mo kaya nga di ko alam." sarcastic na sabi ko. Nakita ko namang nawala yung ngiti niya.

"Hindi ka yata interisado sa love of my life ko. Bestfriend pa man din kita pero nabibigo mo lang ako sa mga reaksiyon mo kada magkwekwento ako tungkol kay Charlie." ouch. Teka. Niloloko ko lang naman siya. Tsaka mukha bang wala akong interesado tuwing magkwekwento siya?

"Uy! Sorry na. Binibiro lang naman kita kasi puro Charlie na lang bukhang bibig mo." nagwalk out ang baliw? Pero lumingon din siya at may sinabi habang naglalakad paatras,

"Pinapatawad na kita! Pero Jay, masanay ka na! Dahil ang love of my life ko, forever na siya para saken. Kayaaaa bye! Papasok na ako sa drawing class ko." at tumakbo na nga siya.

"At katulad nga ng sinabi niya. Kada magkikita kami, may update siya tungkol sayo." gulat yung reaksiyon niya ng marinig ang sinabi ko.

"Oo, charlie. Baliw man pakinggan pero ganun talaga siya. Love of her life ka nga niya kuno. Kaya wag ka ng magtaka." hindi makapaniwala si Charlie sa mga pinagsasabi ko. Una pa lang nga yan, wala pa kame sa kalahati kundi nasa 5% palang kame ng istorya.

----

Author's note:

Para mas lalo niyong maintindihan, yung nakaboldface, ayun yung past at ang normal font, yung present! Okay? Hirap po kasi kung puros salita lang. :))

Hope you enjoy! The more the chapters, the more the stalker will be revealed!

Stay beautiful, -j.

Your Beautiful StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon