Ito na naman kami sa paglagay ng letter pero this time, this second time.. Hindi na ako masyadong nagpanic.
°°
Hi once again! I just want you to ask something. It keeps bothering me all the time, eh. So here it goes,
Do you think you have a remedy for my feelings? I think it's getting worst. It's called "Lovesick."
Hindi naman namin alam kung anong reaction ni Charlie ngayon. May klase kami parehas kaya naman sobrang curious siya nung mga nasa sarili na kaming bahay.
"Wala din siyang post sa fb.." narinig ko pang huminga siya kahit magkausap lang kami ngayon sa phone.
"Hayaan mo, sa tingin ko nabawasan naman siguro yung nakanuot niyang noo."
"Eeek! Di ko alam.. Curiousity is killing me Jay! I can't help it anymore! A.ny.more."
"Pwede ba! Huminay ka lang? Mag-aral ka na! May quiz ka pa sa eco diba? Heads up muna kay Charlie. Bye."
Binaba ko na yung phone. Inunahan ko na siya. Alam ko namang may sasabihin pa yun for sure.
"Jordan? Alam mo ba kung anong nadama ko nung nabasa ko yung second note na yun?" tinignan ko siya pero mabilis ko din iniwas ang tingin ko.
"Napangiti ako ng palihim nung mga oras na yun." nakangiting sinabi niya yun.
"I know.." sabi ko. Bigla naman siyang nagtaka.
"Nagsinungaling talaga ako sa kanya. Nagcr ako nun at nakita kita nung oras mga na yun. Hindi ko lang sinabi sa kanya dahil sa tingin ko nagugustuhan na din kita nun."
"Nakiseat in ka samin nun Charlie pero natulog ka lang din. Ang gwapo mo nung mga oras na yun para kang kuya--"
"So second year pa lang kayo, niloloko mo na bestfriend mo?" seryosong tanong niya. Napanganga ako dun. Hindi siya interesido sa kwento ko.
"Kaya nga ako bumabawi ngayon Charlie.." mahinang sabi ko.
"Alam mo Jordan, napakaselfish mo." naramdaman kong nakatingin na siya saken ngayon. Kahit na mahinhin pa din siya magsalita, tagos yung mga sinasabi niya.
"Hindi mo lang man inisip ang feelings ng kaibigan mo Jordan."
"Teka nga! Sinuportahan ko pa din siya nun! Hindi ko naman siya trinaydor nung mga oras na palagi kaming magkasama ha!" napalakas na yata ang boses ko?
"Teka nga. Wag kang magalit okay? Syempre, I just want to make things right. Nagkaganyan kayo ng bestfriend mo dahil saken kaya gusto kong sabihin yun sayo. Okay.." hindi ko naman dinagdagan yung sinabi niyang mga yan.
"Magkwento ka na lang.. Mamaya may makakita pa saten na parang nagLLQ tayo." gusto ko din sana Charlie! Sana nga lover's quarrel nga ito..
"101 nga tayo." sumbat ni bestfriend. Ang 101 para samin ay yung mag open up sa isa't isa. Sasabihin lang namin yan at ayun. Magkwekwento kami ng mga nangyare samin lately.
"Jay.. Lately kasi, feeling ko may problema ka.. Hindi mo na ako sinasamahan sundan siya. Hindi mo na ako tinutulungan. Bakit parang nag-iba ka na Jay?" hindi ko siya sinagot.
"Jordan.." kapag binabanggit niya na ang pangalan ko. Alam ko, seryoso na siya.
"Jordan Navarez.." tahimik pa din ako.
"Okay! Basta kapag okay ka na, sabihin mo na sakin ha?" nagnod na lang ako.
That time. I'm trying to stop my feelings for Charlie kaya hindi na ako sumasama sa kanya. Ayoko na munang makita si Charlie at baka dahil dun, mawala ang feelings ko para kay Charlie.
Natapos ang 2nd year namin. Tuloy tuloy pa din namang binibigyan ni bestfriend si Charlie ng letter. Alam ko, dahil sinasabi niya saken. Nagkwekwento pa din siya tungkol kay Charlie at ako eto. Pilit na pinagtiyatiyagaan yung mga sinasabi niya.
"Finally Jay! Nag I love you na ako sa note! As in "I love you" lang talaga nilagay ko. Ano kaya masasabi niya Jay?"
"Ewan ko. Siguro gustong gusto ka na niya makita or makilala."
"Hayaan mo Jay, malapit na! 3 sems na lang naman!" nung sinabi niya yun. Binilang ko. 4th year, 1st sem siya aamin.
-
"Aattend ka ba ulit sa acquaintance party?" tanong ko sa bestfriend ko. Every other year kasi yun.
"Oo naman! Magpapakasaya ako tonight." napangiti naman ako sa sinabi niya, mas lalo na nung..
"At hindi ko muna iisipin ngayon si Charlie."
BINABASA MO ANG
Your Beautiful Stalker
Teen FictionA girl who hides her feeling and follow her crush for a long time. What if the boy waits for her? Would this be the conflict?