OKAY. First of all, alam kong sobrang bagal ko mag-update. Pero uy, may balak po talaga akong tapusin 'to. Mabagal nga lang talaga.
But hey! Thank you pala sa may mga nagvote. 3 readers yata? Hihi. Masaya na ako dun! Kaya here, here's a really short update.
Rancis' POV
Matapos lahat ng mangyare sa Coldstone, hindi ko na muling nakita si Charlie. Yes, I know it's just two days ago pero naninibago lang ako. He's out of my sight miski sa school.
"Ate!" Kakauwi ko lang at si Karl na agad ang bumungad sa akin.
"Zup." Derederetso lang ako sa kusina pero napansin kong hanggang dun, sinusundan pala ako ni Karl.
"Wala pa si Mama?" Nakita ko siyang umiling.
"Nagtext siya sakin na kukuhanin niya daw yung plane ticket naten.. Oo nga pala. Sure ka na Ate na sasama ka?" Uminom muna ako at nag-isip na din ng sagot.
Nagnod lang ako although hindi ko sure na gusto ko ba talagang sumama.
"Ano pa pala. Ito." May binigay siya saking isang maliit na box. "Pinapabigay ni Ate Jordan. Pinuntahan niya ako sa room kanina."
"Bakit daw?" Nagkibit balikat lang siya.
Umakyat na ako sa kwarto ko at agad binuksan ang box. Nacurious kasi ako sa laman.
Cheese?
Ng tinanggal ko iyon sa lalagyan, isa pala itong silver bracelet na may pendant na cheese. Cheese huh?
Naalala ko kaagad si Charlie who I used to call "cheese." Well, that's my endearment to him para maiba naman. Hindi yung puro bae, babe, etc.
Kinuha ko yung letter na nasa box din at binasa iyon.
Nagselos ako ng makita ko kayo ni Gail na nagtatawanan. I just miss you. Sorry kung palagi na lang akong nagsosorry. I know ako ang mali that's why. I am stupid, yes. I am btch, maybe. I am pretty, yes. But seriously, kayo naman talaga ni Charlie ang nararapat sa isa't isa. So here's a cheese. I know you love Cheese just like how you love Charlie. And I love you too. I hope you can still forgive me.
Unknowingly, nakangiti na pala ako dahil sa nabasa ko. I feel relieve, happy or kahit ano pa. Basta pinagaan ng letter ang loob ko. Maybe hindi ko pa man matanggap na niloko ako ng bestfriend ko, I'm sure someday, mapapatawad ko din siya.
////
"Ate! Ate! Gising! 5 am na!" Naalimpungatan ako sa pagyuyugyog sa akin ni Karl.
"Oy! Gumising ka na Ate!" Gising na ako pero hindi ko pa minumulat ang mata ko. Pagkakaalam ko kase, 1:30 pa ang flight namin.
"Sabi mo gisingin kita kasi papasok ka? Tapos ayaw mo pang gumising." Huminto na siya sa pagyuyugyog sa akin pero rinig ko pa din ang pagbulong niya.
Narinig ko na din ang pagsara ng pinto ng kwarto ko. And by that, minulat ko na ang mata ko.
"Gusto ko pang matulog...." Gusto ko pa sanang matulog, kaso hindi pa ako nakakapag-empake ng mga damit na dadalhin ko. Dapat kagabi pa pala ako nag empake, bakit kasi ang tamad ko!
Mga isang oras lang din naman ako nag-ayos dahil mga nakahanger naman ang mga favorite na sinusuot ko. Tsaka anim na pangtaas at dalawang pants at isang shorts lang ang pang-alis ko. Plus yung susuotin ko papunta dun. Hays. I'm excited and kinda bothered.
"Goodmorning." Matamlay na bati ko kina Mama na nasa kusina. Kumakain na agad sila ng breakfast.
"Kumain ka na. Ihahatid ko kayo sa airport ng 11. Kaso, 8 pa lang, aalis na tayo dahil may kailangan pa akomg ayusin sa shop." Nagnod lang ako at kinain na ang nakahandang pagkain sa lamesa.
"Nakapag empake ka na ba anak?"
"Yes po. Maliligo na lang ako tapos ibababa ko na yung bag." Nag-usap usap pa kami nila Mama at Karl like kung anong dapat behavior namin dun sa Singapore.
Kailangan daw naming maging discipline. At! Hangga't sa maari, kay Tita Jane lang kami sumama. Mas lalo na si Karl na makulit. Hindi kasi namin kasama si Mama.
Nakapag-ayos na ako lahat lahat. I'm ready to go. We're ready to go!
Ay wait. Bumalik ako kaagad sa kwarto ko ng makalimutan ko yung wallet ko. Err. Gotta have extra money kung sakaling may gusto akong bilhin.
Nandito na ako sa kwarto ko at sa hindi inaasahan, nakita ko yung letters na nakita ko nung monday sa locker ko. Napaisip tuloy ako.
"Ma. Pwede bang sumunod na lang ako sa shop? May dadaanan lang ako sa school. Mabilis lang." Sabi ko ng makababa na ako.
"Sige. Sumabay ka na lang tapos hahatid kita sa sakayan ng jeep. Tsaka ilagay mo na yang bag mo sa trunk." Kahit papaano, hindi na ako bothered. Bakit nga ba ako bothered??
Ininjan ko lang naman si Charlie. Kasi diba niyaya niya akong maglunch? But sad to say ganung oras ang flight namin. Hay.
Pero kung walang Singapore, papayag kaya nga talaga ako?
Nandito na ako sa school at patakbong palakad ang ginawa ko para lang makarating sa locker ko as early as possible.
I just really need to see the last letter para hindi na ako mabother. Paano kasi ako mageenjoy sa Singapore kung may naiwan ako dito?
"Sana nandun ka na." I was hoping na nandun na ang letter na iniintay ko. At sana, magpakilala na siya. At sana din,
Kay Charlie nanggagaling ang mga letter na yun.
Or if not, I guess I just have to ignore the letter. And I guess too, I really have to talk to Charlie. I want to give him a chance before it's too late.
BINABASA MO ANG
Your Beautiful Stalker
Teen FictionA girl who hides her feeling and follow her crush for a long time. What if the boy waits for her? Would this be the conflict?