"Nung acquaintance party, may nakasayaw ako pero hindi ko siya kilala Jordan.." huh?
"So, sinasabi mo bang ayun yung bestfriend ko? Nah, kasama ko all the time yung bestfriend ko kaya hindi siya yun for sure Charlie." nadisappoint naman siya.
"Akala ko siya, ang ganda kasi nun eh."
Sus.
Nagpakasaya lang kami all the time. Bar type ngayon unlike last last year, may drinks din ngayon pero wine lang.
"Woooh! Jay! Promise last na 'tong ganito ako. Ngayon pang 3rd year na tayo at finals na naman. Magiging boring na naman ang life ko." true. Kahit na magkaibang course kami, nafeefeel ko na talaga ang pressure.
Yan kasing bestfriend ko, aral lang ng aral. Walang inatupag kundi aral o kaya naman pagfree time, si Charlie. Ngayon nga lang uminom yan. Biruin mo, parang lasing na ngayon? Nakakalasing ba ang wine? O sadyang nakakain siya ng cheese kaya hyper?
"Woooh! Let's dance Jay!" sobrang saya naman netong babaeng 'to. Pinalapit niya ako sa kanya at may binulong,
"Buti talaga nandiyan ang love of my life ko!" Akala ko ba..
No Charlie for now?
-
"Ate Jay!" tawag sakin nung kapatid nung bestfriend ko. Kumakatok kasi ako sakanila. At kanina pa iyon.
"Anong meron ate Jay?" mukhang bagong gising siya kaya naman pala ang tagal.
"Asan ate mo?" tinuro niya lang ang kwarto ng ate niya.
Pagpasok ko, narinig kong may umiiyak.
*Sobs*
"Huyy.. Bakit ka umiiyak?" nagteleport ako dito as soon nung tumawag siya saken.
"J..ay.." biyak ang boses niya.
"Naiiyak ako. Kasi nabasa ko yung status ni Charlie.." Charlie again?
Bakit ba palagi na lang si Charlie? Hindi ba pwedeng magtime out na muna siya? Hindi ba pwede yun? Tignan mo naman ang sarili niya! Pinaparusahan niya na lang palagi. Naaawa na talaga ako sa kanya. Nakakainis. Kung hindi lang talaga niya happiness si Charlie, matagal ko na siyang pinigilan!
"Ano ba yung status na yun? ha?"
"I, I, he thinks he is falling inlove.. Nakalagay dun Jay.." ang babaw naman talaga ng bestfriend ko! Nako naman.
"Pero meron pa Jay.." huminto naman na siya sa pag-iyak at umupo na sa kama niya.
"But she stops.. She stops daw.. And she never see that girl again.." ano daw? Anong pinagsasabi niya?
"Hindi ko din alam kung ano yun Jay pero nasasaktan ako. Ako! Hindi naman ako huminto diba?" tumango tango lang ako. Aish. Kasi naman hindi pa siya magpakilala, paano kaya siya magugustuhan ni Charlie kung hindi naman siya kilala diba? Tsk hindi ko talaga alam kung ano pinagsasabi niya.
She stops giving what ba? Sino ba?
She stops..
Bigla ko namang naalala ang ginawa ko this past two weeks.
Uh oh.
Charlie is falling inlove with my bestfriend? I knew it! Pero may part pa din na naiisip ko na imposible mangyare yun. Ni hindi naman sila nagkikita and I know, I know never silang nagmeet o nagkausap man lang. Sa laki ng school na 'to?
Kaya baka hindi naman talaga si bestfriend ang tinutukoy niya. Hindi pwede.
Pero kasi.. Kasi.. May ginawa akong isang malaking hindi magandang move. At ayun ay,
Inalis ko yung dalawang note sa locker ni Charlie which means.. May possibilities na si bestfriend nga. Pero, pero ano yung he never see the girl again?
UGH. I can't stand this! Hindi ko na alam! Basta one thing for sure,
Hindi ko na kayang lokohin pa ang bestfriend ko kaya hahayaan ko na lang siya.
I'm sorry.
BINABASA MO ANG
Your Beautiful Stalker
TeenfikceA girl who hides her feeling and follow her crush for a long time. What if the boy waits for her? Would this be the conflict?