Hi people of the earth! If nakarating ka dito sa page na 'to, I like you na. Keep reading!
"Ano? Nagugutom ka na ba? Bakit hindi ka makapagsalita?" pagtatakang tanong ko. Nandito pa din kami sa bench. Natahimik siyang bigla ng nalaman niyang marami pa talaga akong kwento.
As in.
"Gusto ko siyang makilala.." bigla naman siyang huminga ng malalim.
"Ano? Kwekwento ko ulit?" tumango siya. Pero bigla namang kumirot ang puso ko. Curious siya sa bestfriend ko. At ang sakit lang.
"Jay!" tawag niya saken ng makita niya ako. Tinalikuran ko naman siya pero nahabol pa din niya ako.
"Ang bestfriend ko, iniiwasan na ako? Bakit kaya?" hindi ko talaga siya iniiwasan. Nandun yung ex ko.
Naglakad ako ng mabilis. Nakita niya siguro si Zeke kaya nalaman niya kung ano ang pinag-aarte ko.
"Hindi pa din move on?" napanuot naman ang noo ko.
"Yeah.." napalitan ng pagkalungkot ko ang mukha ko.
"Alam mo bang friend niya si Charlie?" charlie na naman.
"Oo, friend niya si charlie. Nakita ko kasi silang nag-usap tas nag fist to fist tas chest to chest din. Katulad ng ganto." nag act nga siya. Hindi ko alam. Natawa ako bigla.
"You never fail me to smile! Teka. Akala ko ba ayaw mo sa acting?"
"Para sa bestfriend kong nalulungkot! Pero totoo talaga yun ano ka ba."
"Pansin ko lang, stalker ka ba?"
"Ga.ra.be! Hindi ah. Secret admirer ako. Ahii." ayan na naman siya sa pagaact niya ng inlababo.
"Aray!" binatukan ko siya ng mahina.
"Alam mo kasi, sumama ka sa akin! Matutuwa ka kapag sumama ka." saan naman kaya?
Nandito kami ngayon sa labas ng cr. Dito niya ako dinala.
"Wait. Hintayin lang natin siya." siya? Haay. Magtataka pa ba ako? Edi sa malamang, si Charlie hinihintay namin.
"Ayan na siya!" bigla niya namang nilabas yung phone niya at nagtype.
"Ano ginagawa mo?"
"Sinusulat ko lang sa diary phone ko." hindi ko na tinanong kung ano sinusulat niya. Sino pa ba diba?
"Tingin!" tumingin naman ako. Hindi kami halata dito kasi malayo si charlie. Nasa labas pa din sila computer lab.
"Sabi ko sayo ginagawa niya yung fist to fist at--" hindi ko na siya pinatapos.
"Halos lahat yata na makikita niya ginagawa niya yun eh. Ano ka ba."
"Except for girls. Correction." sinabi niya yan with confidence. Stalker nga talaga siya.
"Yung araw na yun, nacurious din ako sa pinaggagagawa ng bestfriend ko. Kaya naman minsan sumasama akong buntutan ka. Pero minsan lang yun. Once a week ka lang namin sinusundan."
"Kaya pala minsan feeling ko may nakasunod samen."
"Pero bakit ni minsan hindi ka lumingon?"
"Natatakot ako." natawa naman ako sa sinabi niya.
"Pff. Natakot? Ano kami holdaper?"
"Sort of." aba. Teka. Medyo nahurt ako dun. Pero, may point siya. Ngayon ko lang narealize ang pinaggagagawa namin ng bestfriend ko.
Sinimulan ko ulit magkwento pa.
Acquaintance party yun. 2nd sem namin bilang freshmen. Kahit hindi naman ako pumayag na sumama, napasama pa din ako. Nilibre kasi ako ng bestfriend ko.
"Jay! You're here!" si, si.. Bestfriend ko ba 'to?
Nakamask siya pero yung mata lang yung nasasakupan nun. White simple dress tas medyo curl ang buhok.
"Teka nga. Getto mo? Bakit ka nakamask?" hindi naman kasi to masquerade party ano. Kundi simple party lang. Yung iba nga nakapants lang eh.
"Eh kasi," kinamot niya pa yung ulo niya.
"Kesa naman magcap ako?"
"Pff. Teka. Ano 'to? Artista ka ba para magdisguise?"
"Oo! I mean hindi. errr. Ano ka ba Jay. Ayoko lang may makakita na maganda ako. Mamaya magkagusto sila saken tapos ligawan ako. Alam mo namang loyal ako sa love of my life ko." tae. Ang lakas ng apog neto. Tsk. Loyal?
"Eh si charlie.." sabay hinanap ko si charlie. Aha! Tumingin din siya sa direksyon ni Charlie.
"Loyal ba siya sayo?" pagkatanong na pagkatanong ko sa kanya yun, nakita ko namang nalungkot ang mata niya.
Si charlie, kasama lang naman niya si Ezra. Si Ezra na famous na mabait na, humble na, at matalino pa.
Napaupo yung bestfriend ko. At sa laking gulat ko. Tinanggal niya yung mask niya. Ang ganda nga ng bestfriend ko.
Kundi kasi nakasuot ng cap yan, nakabonet naman. Kung hindi naman sa dalawang yun, naka eyeglasses siya. Ang daming kaekekan niyang babaeng yan.
"Talbog!" nakanuot yung noo niya.
"Talbog ako sayo my beautiful bestfriend na soon to be mrs. Zeran." pagloloko ko sa kanya. I think it's time na bumawi ako sa kanya.
"Hindi na yata mangyayare yun." aba? Siya ba talaga ang bestfriend ko? Sa pagkakaalam ko hindi siya sumusuko.
"Tignan mo naman kasi sila ni Ezra." tinignan ko naman.
"Hindi ko alam Jay! Hindi ko magawang magalit kay Ezra kasi ang bait bait niya. Siguro nga bagay nga talaga sila." teka. Naggigive up na ba talaga siya?
"Huy! Maghihiwalay din sila." tumayo siya.
"Uuwi na ako." at naglakad ng hindi ako hinihintay.
"Pero Jay.." paninira ni charlie sa pagkwento ko.
"Jordan. Not Jay." Jordan ang true name ko. Si Rancis lang ang tumatawag saken ng Jay.
At oo. Tama ang nabasa mo. Rancis ang pangalan ng bestfriend ko pero ayoko pang ipaalam kay charlie iyon.
"Pero Jordan, pinsan ko si Ezra."
"Oo. Yung pinsan mo na nagpabroken heart sa bestfriend ko. At take note! First heartbreak niya sayo." yan na lang ang tanging nasabi ko.
Paano ba naman kasi. Nagmaktol lang naman ang bestfriend ko ng mga time na yun.
Tanging ang paghingang malalim lang ang narinig ko kay charlie.
/////
Reminder:
Boldface = past
Normal font = present
The rest of the chapters will be written like this. Stay cool! -j
BINABASA MO ANG
Your Beautiful Stalker
Teen FictionA girl who hides her feeling and follow her crush for a long time. What if the boy waits for her? Would this be the conflict?