YBS: Chapter 11

91 4 0
                                    

*criiiiiiiing

Ang ingay. Ano ba yung tunog ng tunog?

*criiiiiiiiingg

Mas lalo pang lumakas iyon at narealize ko. Maaga pala ako ngayon.

Kinuha ko na ang cellphone ko at pinatay na ang alarm. Ang ingay pa din kasi. Nakakainis. Pumunta ako sa salamin ng laking gulat ko na namamaga na naman ang mata ko.

"Aish, namamaga ka na naman.. Ano bang nangyare.." bulong ko sa sarili ko habang inaayos ang mga kalat kalat na mascara.

Wait.

Hindi ko pa din tapos basahin yung notebook. Kaya naman mabilis akong napatakbo pabalik sa kama ko.

-Entry 499-

6:03pm

(Pangalawa sa huli)

Hindi ko naman alam na istorya pala ng bff ko 'tong sinusulat ko. After all these years, ginagawa ko pala 'to para sa kanya hindi para saken. Paano niya nagawa 'to saken? Akala ko ba bff ko siya? Pero.. *sigh* ang tinuturing kong bff.. Siya pala talaga ang tatapos neto. Sana man lang nainform ako. Masyado na ba akong self-centered kaya hindi ko na namamalayan ang mga nasa paligid ko? Tignan mo sila. Magkasama na sila. Akala ko pa naman ako na yung bida. Supporting actress lang pala..

Nalungkot na naman ako. Ito pala ang dahilan kung bakit namamaga ang mata ko. Ito pala yung reason kung bakit ako nakatulog ng umiiyak. Naalala ko na naman ang lahat ng sakit.

Nakalimutan ko nga yung sakit pero saglit lang.

-Entry 500-

Nagulat ako ng nag-iba ang sulat. Mukhang minadali at may bura bura pa.

-Entry 500-

11:33am

I never knew that this story, wasn't my story at all. Iba na pala ang sinusulat kong story, hindi ko man lang namalayan. Pero masaya pa din ako! Masaya kasi natapos ko na siya pagkatapos ng ilang taon. Sorry kung pinatagal ko pa. Gusto ko lang kasi manigurado sa ending. Kaya ito. Ngayong alam ko na, pwedeng pwede ko na tapusin.

°°Charlie Zeran & Jordan Navarez story.°°

The end~

Hindi ko deserve ang pangalan ko dito. Kaya kinuha ko ang ballpen ko at binura ang pangalan ko.

°°Charlie Zeran & Rancis Illama story.°°

Much better..

Hindi ko namalayang nakangiti na ako ngayon. Siguro nga. Ito na talaga ang way para matapos na ang lahat na ito. I'm willing to get hurt para sa kaisa isa kong bestfriend. Okay lang kahit hindi na kami magkaayos pero sana lumigaya pa din siya kahit wala na ako sa buhay niya.

-

Hinahanap ko ngayon si Charlie. Pero hindi ko siya nakita kundi si Rancis ang nakita ko.

"Rancis!!" ayoko ng patagalin pa 'tong pag-aaway namin. Hindi ko na kaya pa.

"Rancis ano ba!" tuloy tuloy pa din siya sa paglalakad.

"Alam mo. Para kang si Charlie eh!" totoo. Naaalala niyo ba yung hinahabol ko din si Charlie kahapon? Ayt.

Tumingin siya saken. "Ahh. Ikaw nga pala ang mas nakakakilala sa kanya." mali! Hindi iyon ang ibig sabihin ko! Lumakad na naman siya at this time, may nabangga siya.

"Cha..Charlie.." halos sabay na sabi namin ni Rancis. Pero mabilis na nakabawi si Rancis kaya tumakbo siya.

Tumalikod ako na para bang walang nangyare. Ayoko malaman ni Charlie na yung nabangga niya ay ang stalker, I mean secret admirer niya. Ayoko pa..

Your Beautiful StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon