Hi readers of this story! This time, medyo kay RANCIS na ang POV. Hindi na puro kay JAY and si CHARLIE din. For the first time, meron na siyang POV. Like it? Here it is!
Please vote if you like.
RANCIS ILLAMA'S POV
I never knew na kaya kong pagsalitaan ang ex bestfriend ko ng ganun. At ngayon ko lang din nalaman na kaya ko pala maging matapang at magsalita ng matatalas na salita. Well, alam ko kasi wala naman akong ginawang masama. Pero meron din akong side na,
Oo nga wala. Pero anong karapatan kong magsalita ng nakakasakit sa tao?
So yeah. I kinda, sort of, little regret what I've done. Okay naman saken na makita ko si Jay. Pero kapag silang dalawa1 magkasama, hindi ko mapigilan na isipin na niloko ako. Niloko ako ng pinagkakatiwalaan ko.
"Okay class.. On our next meeting, kailangan niyong magpasa saken ng drawing niyo. Kahit ano! Kayo ang bahala. At ieexplain niyo yun na para bang masterpiece niyo iyon. Okay? Okay, class is dismiss." sabi ng prof ko sa drawing class ko. Di na naman ako nakapagconcentrate. Yung drawing ko ngayon parang ewan.
Sana talaga kinuha ko na 'to nung first year ako tas summer nun. Bumagsak kasi ako nun dito sa subject na 'to, ayan tuloy. Although hindi naman required 'tong subject na 'to sa course ko, kinuha ko pa din. Gusto ko lang ma-improve ang drawing skills ko.
Masterpiece? Ano naman kayang idradrawing ko as my masterpiece?
Si Charlie kaya?
Umiling iling ako. Ayt. Move on stage na pala ako. Makakain na nga lang at ng makapagisip ako ng matino.
Ohh.
Napangisi naman ako sa nakita ko. Magkasama na naman sila. Napaisip ako. Ako? Hinahanap ni Charlie? Hindi sila? E halos magkasunod na araw ko na sila nakikita.
Nakakatawa lang. Talagang sa tambayan pa namin. Ano 'to? Pinamumukha niya saken?
Nagulat ako ng tumayo na si Charlie at nakangiti siya. I knew it! Nagmadali naman akong lumakad papunta sa canteen.
Umorder ako. Umupo sa sulok. At kumain ng hindi pa din nawawala ang pagkanuot ng noo ko.
Ugh. Hindi ako makapagisip ng maayos. Hindi ko alam ang tamang mga gagawin ko. Nagulat ako ng malaglag yung tinidor ko at nakaagaw pansin yun sa iba.
Nakakahiya.
Umalis na ako ng matapos ko na ang pagkain ko. All the time, lutang na naman ako. Iniisip ko nga, kung kailan second to the last na sem na 'to. Dun pa ako naging tamad. Akala ko kasi tatama sa lahat ng plano ko ang mangyayari. Pero hindi pala. Sana inisip ko din kung paano kung hindi nagtugma?
Hays. Huli na ang lahat. Wala ng mababago. Iba na rin ang lahat. Hindi na katulad ng date.
/////
RANCIS' LOVE OF MY LIFE POV
I don't know why am I still smiling. Simula nung nabangga ko siya naging sigurado na ako. Para bang naging sobrang linaw na sakin ng lahat.
Date, umaasa akong iisa lang sila. Yung nakasayaw ko at ang nagbibigay ng letter sakin noon na halos everyweek, palaging may letter.
Pero nabigo ako. Nakipagkita na rin siya saken pero hindi siya yun. Si Jordan ang nakilala ko kaya laking disappoint ko. Naalala ko pa noon, lagi ko siyang tinatanong kung saan niya nakukuha ang mga trivia na nilalagay niya kasama sa letter ngunit para bang palagi siyang kinakabahan.
Doon ako nagsimulang magtaka sa lahat ng ginagawa niya at napaamin ko naman.
Sht. Ang lakas ko lang makadiscern. At tama nga ako. Nagpapanggap lang siya.
BINABASA MO ANG
Your Beautiful Stalker
Teen FictionA girl who hides her feeling and follow her crush for a long time. What if the boy waits for her? Would this be the conflict?