YBS: Chapter 17

63 5 0
                                    

Hi! Kapag nakaabot ka na dito sa page na 'to, super thank you! Keep reading!

"Congrats Raniel Francis!!!" Yakap sa akin ni Gail. At yumakap pa ang ibang kagroupmate ko.

Group hug ang peg.

"You're too good to be true! MYGAAD!" Tuwang tuwa na sabi sakin ni Gail.

Napasa lang naman namin ang defense. Kami lang yung group na hindi mag-re-redefense. AAAHH! Kaya gumugroup hug kame.

"Thank you Rancis. Tara na! Let's celebrate!" Sabi nung isang kong lalaking kagroup. Si Daniel.

"Tara na! Libre niyo ko ha?" Tuwang tuwa naman na sabi ko. Lahat kami masaya. Lahat kami SOBRA SOBRA ang saya!

Sureball na kame grumaduate!!!!

"Rancis. Alam mo ba kung ano talaga nagpapasa sa atin sa defense?" Tanong ni Gail ngayong mga nakaupo na kami sa upuan.

Nandito kami ngayon sa Coldstone.

"Ano?" Nagtatakang tanong ko.

"Yung last question ni Sir sa atin. Masyado kang matapang para sagutin yun."

"Do you think everything you've done here, is all right?" Gayang gaya pa ni Gail yung pananalita ni Sir Yan.

"Yes sir! I am confident more than enough. We'll not be here in front BRAVE, if we know that everything we've discussed is wrong. So again, yes sir."

"Kabog!!" Sigaw ng isang kagroup ko. Saka kami nagtawanan lahat. Hays. Naalala ko si Jay. Mahilig niya kasing sabihin ang kabog.

"Ano ba kayo. Kayo yung magaling! Haler?? Puro assign nga lang ako sainyo. Tss."

"At least, you've guide us very well as a leader. Tsaka kahit wala ka namang ginawa, inaral mo yung 1 inch na kapal ng papel. WHOO! Di na yata kame makakamoved on."

Well, tama naman sila. Inaral ko talaga yung thesis namen no! Di nga ako natulog kagabe kasi paulit ulit kong binasa yun. Pero sa totoo lang, sa dinami ng tinanong ni Sir sa amin, halos mamatay na ako kasi kung minsan GUTS na lang. Hula na lang.

"Salted caramel sakin ha." Sabi ko ng patayo na si Daniel para umorder.

"Whoops! Looks like nandito ang inspirasyon ni Rancis!" Nanlaki naman ang mata ko at the same time kinabahan.

Inspirasyon????

"Witwiw!"

"Yieeeeee."

Halo halong reaction ang bawat kagroup ko. Anim kami. Apat na babae, dalawang lalake. Miski yung dalawang lalake, nakiki ayieee. Lalo na si Gail.

Napatingin na ako sa may pintuan. Oo nga, si Charlie nandun. Pero hindi siya papunta samin. Di niya nga siguro alam na nandito kame.

"Charlie!!!" Napatingin agad ako kay Gail na tumawag kay Charlie. Tawa lang siya ng tawa sa akin.

Napayuko na lang ako kasi kakakita ko pa lang kay Charlie kagabi tapos ito na naman.

"Lika dito dali!"

Okay. Hinga.

"Okay ka lang Rancis? Ayiee." Bulong ni Hannah na katabi ko. Napa-iling na lang ako.

"Uy." Sabi ni Charlie. Kay Gail.

"Hi! Ako nga pala si Hannah."

"Leksi."

"King."

"Syempre ako naman si Gail!"

"Charlie." Nagmula sa likod ni Hannah yung boses niya. Too close..

Your Beautiful StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon