Okay, natuwa ako kasi may nagvote agad. Kaya @ParkXi_ (tho you might not expect) I dedicate this chapter for you.
Keep on reading luvs!
Raniel Francis Alimon Illama's POV
"Rancis?"
Mula sa pagkakatingin ko sa paa ko, napatingin ako dun sa tumawag sa pangalan ko.
O_o
M-multo ba ang nakikita ko? Napailing naman ako sa thought ko dahil hind maari lalo't na at buhay pa naman si Charlie.
"Charlie?" Pagtataka ko. Sobrang laki na yata ng mata ko sa pagkakagulat ko.
"Rancis!" Nagulat ako sa ginawa niyang paghila sa akin papasok sa elevator at saka ako niyakap.
Wait. Omygosh. He's too close for me! I really can't breathe.
Alam kong nagsara na ang elevator dahil nararamdaman kong gumagalaw na ito. Geez. Ano bang gagawin ko? Hindi ko alam kung gagalaw ba ako dahil para bang ayoko ng umalis siya pagkakayakap sa akin. Parang gusto ko, ganito na lang palagi. Yung nasa bisig ko siya.
"Sht." Sabi niya at bumitaw na sa akin. Tumingin naman siya sa akin at namula ako. Siya din yata.
"Sorry Rancis. Akala ko kasi namamalikmata lang ako. Totoo pala talaga." Gusto ko din sanang sabihin iyon sa kanya kaso natuyuan na yata ako ng dila marahil hindi ako makapagsalita.
"Anong ginagawa mo dito?!" Nakangiti niyang pagtatanong.
"Ah eh.." Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kinakaya ang tensyon na nagaganap sa aming dalawa.
Dati kasi, alam ko lang na nadiyan ang presensya niya, naninikip na agad ang dibdib ko. Ngayon pa kayang sobrang magkalapit kami at niyakap niya ako?
Sa pag-iwas ko ng tingin. Nakita ko naman ang mga dala niya. May maleta siyang maliit na color black at may isa din siyang backpack na color white.
Does it mean, dito pala yung sinasabi niyang magbabakasyon sila??
"D-dito ka magbabakasyon?" Utal utal na pagtatanong ko.
"Uhm-" Magsasalita na sana siya kaso biglang bumukas ang elevator. "Wait. I really need to fix my stuff muna. Come!"
Sinundan ko naman siya. Hindi ko alam kung anong floor ba ito basta ang alam ko lang, pupunta kami sa hotel unit niya.
Huminto siya sa isang pinto na may number na. 214. Siguro mga nasa 20th plus floor kami.
"'Mmy?" Pagkabukas niya ng pinto, ayan agad ang sinabi niya.
Nandito Mom niya?? Medyo kinilig ako dun dahil nga stalker ako at sa fb ko pa lang nakikita ang maganda niyang Mom.
"Charlie!" Niyakap niya ito at mabilis niya naman akong napansin. "Siya ba si Rancis?" Sabi ng Mom ni Charlie habang yakap yakap pa din si Charlie.
Wait. Kilala ako ng Mom ni Charlie? Narinig kong bahagyang nagchuckle si Charlie bago pa man ito nagsalita.
"Ikaw nga! Naku! How come.." Napaisip siya. "Paanong, pinakuha ko lang ang gamit ko at.. Pagbalik kasama ka na?" Pagtataka niya.
Nakita ko lang napakamot ng ulo si Charlie. Hindi niya siguro alam ang sasabihin. Miski ako, hindi ko din alam ang sasabihin ko dahil kakain lang naman talaga ako ng dinner tapos ito na ang nangyare.
Ng maalala kong kakain ako ng dinner, agad akong parang nagutom. May nagwawala na sa loob ng tummy ko.
"'Mmy, hindi ko alam but I guess fate is working." Tumawa lang ang Mom niya. Huh? Ano daw? Bakit parang kinikilig ang Mom niya?
BINABASA MO ANG
Your Beautiful Stalker
Novela JuvenilA girl who hides her feeling and follow her crush for a long time. What if the boy waits for her? Would this be the conflict?