YBS: Chapter 15

52 4 0
                                    

Please read again the chapter before this. I made some changes. May tinanggal ako na scene yung hallucination thingy. Sorry. Matagal na akong di nakapag-update so medyo nakalimutan ko na and kaya iniba ko.

Gail is such a good actress. But not me.

Akala ko ng gagawin ko yung mga plano namin kanina, feeling ko gagaan na ang dibdib ko. Akala ko nga nakamove on na din ako eh. Hindi pala.

Masakit pala talaga na yung bestfriend ko, kasama niya yung akala kong love of my life ko.

Palagi na lang akala.

"Okay ka lang Rancis?" Sabi sakin ni Gail ng makaupo na kami sa hagdan patungong second floor.

Pinunasan ko naman na yung luhang pumatak. Ewan ko ba kung bakit nagkaluha! Wala sa plano ko yun.

"Huh?" Again. I'm not a good actress at all. Kaya naman huh lang ang masagot ko.

"Alam mo. Ang galing mo kaya kanina." Ngumiti naman ako ng tipid.

"Talaga?"

"Oo. Kitang kita ko yung pagkagulantang ng bestfriend mo. Nakakatawa nga eh." Baliw talaga si Gail.

"Yan. Buti napatawa na kita." Sabi niya.

Tumawa pala ako. Hindi ko man lang namalayan. Hays.

"Sabi nga nila. Let go of the things na hindi ka na pasasayahin pang muli. I'm trying. At least diba, napasaya ni Charlie yung college year ko. Kaso, I have to let go na nga." Yan ang tumatakbo sa isip ko na gustong gusto ko ilabas.

Mga ilang minuto din kaming nakatulala. At ng tignan ko siya, nakangiti siya.

"Bakit?" Mukhang may sira yata ang utak ng babaeng 'to ha.

"Wala lang. Naalala ko lang bigla." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ano yun?"

"Si Charlie lang pala makakapagpamature sayo. Nakakatawa lang. Ang talino mo pero zero ka naman sa love life. Pero yaan mo, baka malay mo, mamaya lang maging 1 na ang lovelife mo." Ouch lang. Zero?

"That's life.." Yan na lang tuloy nasabi ko.

"Alam mo friend. Some things are not meant to be." Huuu Gail is such a wisdom girl. Mabara nga.

"Pero hindi naman kami things ni Charlie." Sinamaan niya lang ako ng tingin.

Haha.

"Basta! Kung ano man ang meron sila ni Jordan. Be happy na lang. Okay?? Asikasuhin na lang naten yung defense naten. Okay? Okay?"

"Okay ho."

"Sige. Alis na ko ha? Dinala ko lang talaga yang pile of papers na yan na pinagpuyatan lang naman naten. Bye. See you."

"Bye." Tumayo na siya ng ngiting ngiti na para bang walang bukas. Sana ako din.

Sana makangiti din ako ng wagas. Yung tipong walang problema? Lahat masaya.

"And oh, bye din Charlie!" HUH?

Akala ko nagbibiro siya na ako si Charlie. Na tinawag niya akong Charlie. Pero na realize ko, sa taas ko siya nakatingin habang palayo siya sa akin.

Uh oh.

Ng ma-out of sight ko na si Gail... Napatayo ako bigla.

Handang handa ng umalis... Iwasan siya...

"Rancis."

I just died.

***

Charlie's POV

Lumabas ako ng canteen at tumungo sa field na akala ko nandun sila Rancis at Gail. Pero wala sila doon.

Hinanap ko pa din naman sila.

Tanga.

E kung i-text ko na lang kaya si Gail?

To: Gail

Asan kayo?

Message sent.

Mga ilang minuto din bago ito magreply.

From: Gail

Nasa Building F sa may hagdan sa gitna sa first floor. Gumamit ka ng ibang hagdan para di ka makita. Okay?

Nagtaka naman ako bigla sa itinext niya. Alam niya bang gusto ko si Rancis?!!

Pumunta muna ako sa locker ko kung saan nakatago ang mga letter na ibinigay siya sakin. Ni Rancis.

Honestly, hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Ni hindi ko nga alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

Siguro nga, torpe ako.

Tulad ng sabi ni Gail, gumamit ako ng ibang hagdan at tinungo na ang lugar kung nasaan sila.

Tama. Nasa hagdanan nga sila nakaupo. Nag-uusap. Pero hindi ko marinig kung ano iyon.

Tumayo si Gail. Mukhang aalis na siya kaya naman bumaba ako ng kaonti.

"And oh, bye din Charlie!" Sigaw ni Gail habang nakatingin sakin na ngiting ngiti.

What the fudge Gail?!!!

Bigla akong kinabahan. It means na alam na ni Rancis na nandito ako. Ugh. It's suppposed to be... surprise?

Eh..

Tumayo siya. At alam kong iiwas siya. Halata kasi sa kilos niya na kinakabahan.

"Rancis." Kusang lumabas sa bibig ko.

Ano na? Paano na? Ano ng sasabihin ko?

Your Beautiful StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon