YBS: Chapter 10

91 4 0
                                    

Nakauwi naman na ako sa bahay. Tinanong nga ako ng parents ko kung bakit daw ang kapal ng eye bags ko. Sinabi ko na lang na wala akong tulog dahil nagpunta ako kagabi sa hospital at dinalaw si Kuya.

Naniwala naman agad sila kaya dumeretso na ako agad sa kwarto ko at humiga.

Habang nakatingin ako sa ceiling namin, hindi ko na naman maiwasan na umiiyak ako.

Kailan ba mawawala 'tong sakit na nandirito sa puso ko? Everytime na maiisip ko ang bestfriend ko, naiiyak ako. Sobra sobra ang sakit, parang ayoko ng pumasok. Gusto ko na lang lumayo.

Ang babaw babaw na ng mga luha ko..

Sobrang nahihiya ako sa kanya. Kanina, the way na kausapin niya ako. Wala na yung masayahing ugali niya. Wala na din yung palabiro niyang ugali. Wala na rin ang pagkacorny niya. At lahat ng yan. Thanks to me dahil nawala na ang lahat.

"Ayoko na.." pabulong na sabi ko. Dumapa at sinubsob ko ang ulo ko sa unan.

-Charlie Zeran A.K.A. love of my life-

Ng maalala ko iyon, agad kong kinuha ang notebook para tapusin iyon na basahin.

Onti onti ko naman nakalimutan ang sakit na dinadala ko. Dahil simula sa entry 50 hanggang 399, kasama ako dun. Pero wala namang mga pangalan iyon. Alam ko lang dahil syempre, POV niya lahat ng nakasulat at ako ang palagi niyang kasama.

Tatawa ako minsan. Mapapangiti..

-Entry 400-

5:10pm

Napansin kong napagod na ang bestfriend ko kaya naman naiwan na naman ako mag-isa sa lahat.

Bigla akong nalungkot ng mabasa ko ito. Napansin niya na siguro na umiiwas na ako pagdating sa pagsama sa kanya para sundan si Charlie.

-Entry 401-

5:23pm

Hayaan mo. Mukhang may problema ang maganda kong bff. Pero hindi ko ito hahayaang maging reason para saming dalawa ni Charlie. Sabi nga nila. "Life goes on and on".

-Entry 402-

7:30am

Nagdadalawang isip ako kung ilalagay ko na ba yung I love you. Help! Or next week na lang kaya?

-Entry 410-

Nilagay ko na! At sinabi ko iyon kay bff! Soooo proud of myself.

Naalala kong, ito ang tinanggal kong note. Pati na rin yung isa pa na may nakalagay na.

°°

Zup! Mag-iistop na ako sa corny kong mga pick up lines. Pero I'm sure this time na I will tell you my true feelings na.

(Anongirl)

Ang sama ko! Kaya naman nung tinawagan ako ni Rancis na may problema siya. Hindi ko na muling tinanggal pa ang note na mga nilalagay niya sa locker.

HUU. Naaalala kong nanuod pa ako sa youtube ng videos para lang pag-aralan kung paano magbukas ng mga locker. And I did! I've learned how..

-Entry 456-

3:40 pm

Inu onti ko na yung notes. Magpapakilala na ako soon.

Tama. Sinabi niya saken na 3 sems na lang. Sinabi niya din saken na bago kami pumasok sa last sem at grumaduate, dapat magkakilala na sila.

-Entry 457-

2:50pm

Natutuwa ako kasi kahit na naalala ko yung naiinlove siya sa iba, eto ako. Martyr. Hahaha. Hindi pala nakakatuwa kundi nakakatawa.

Your Beautiful StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon