Kakauwi ko lang. Wala sa sarili. Hindi ko na alam kung ano pa ba ang iisipin ko. O siguro nga, mas mabuting wag na lang akong mag-isip.
"Ate!" Kakapasok ko pa lang ng pinto, bumungad na agad si Karl. Pababa siya na patakbo sa akin.
"Ate! Free ka ba next week?" Tuwang tuwa na sabi niya.
Tinignan ko lang siya. Mukhang di niya naman nahalata na wala ako sa sarili.
"Kinausap kasi ako ni Tita Jane. Sinasama ako sa Singapore. Tapos isama daw kita. Pero Ate, diba baka may pasok ka pa nun? Exam niyo diba? Kapag di ka kasi sumama, hindi ako papayagan ni Mama."
"Pag-iisipan ko. Anong mismong araw ba yun?"
"Friday daw."
"Friday daw."
"Friday daw."
"Friday daw."
Umulit ulit sa isipan ko ang katagang "friday daw". May bigla kasi akong naalala.
Friday....
*flashba..*
"Ate! Ano ba nangyayare sayo?!" Sigaw sa akin ni Karl.
Panira naman ng flashback ko 'tong si Karl.
Nginitian ko na lang si Karl at sinabing, "Ano ba ang ulam? Dalhan mo ako sa kwarto ko ng pagkain. Mag-aaral pa kasi ako."
"Sureness Ate! Basta ba sa next friday ha??" Tuwang tuwang tuwa na sabi niya.
Dumeretso na ako sa kwarto ko. Humiga. Gumulong gulong. Tumayo. Tumalon talon. Dumapa. Nginudgod ang ulo sa unan.
Ano pa ba?
"asdfghjkl!" Humiga na ako ng maayos para masigaw ko ang gusto ko mang isigaw.
"Ayoko na! Ayoko na! Ayoko na!!!! Huuu. Ayoko na.." Di ko na mapigilang umiyak.
*sobs*
"Ate? Ano na namang nangyare sayo?"
Ay bwiset! Bigla akong napatago sa kumot ko dahil sa pagsulpot ni Karl.
"HOY. ATE. ANONG NANGYARE?" Lumabas na ako sa pagtatago ko sa loob ng kumot dahil dinadaganan niya na ako.
Ang bigat kaya.
Ng makalabas na ako, nakahinga na ako ng maluwag. At habang umiiyak, napangiti ako.
"Ate, baliw ka na ba? Ayan ba epekto ng exams niyo? Ate?" Binatukan ko siya ng mahina.
"Baliw." Saka ko pinunasan yung mga luha ko.
"Si Charlie kasi."
"Sus. Si Charlie lang pala. Akala ko pa naman yung exams niyo na." Binatukan ko ulit siya.
Akala mo naman kilala niya si Charlie. Maka Charlie lang, hindi niya nga alam kung friend ko ba yun or what.
"Ate naman!"
"Si Charlie kasi. Kinausap niya ako kanina. Okay? Kung pwede ko daw ba siya samahan sa friday."
"Nyek. Sabihin mo hindi pwede! Aalis tayo nun!" Kita mo 'to. Talagang nakafocus lang sa singapore. Tsk.
"Opo.. Sinabi ko naman talaga na ayaw ko. Sige na. Salamat sa pagkain." Nagdrama pa siya papalabas. Bumubulong ng "Singapore yun. Once in a life a time."
Agree naman ako sa sinasabi niya. Pero si Charlie? Yung magkasama kaming aalis? Once in a life time lang din naman yun! Kaso, hindi ko pa alam yung singapore thingy, humindi na agad ako.
Di ko din alam kung paano eh. Sa sobrang kaba ko kanina, nagcause yun ng pagpapanic ko kaya naman nagulo ko ang pag-uusap namin.
Kaya nga wala ako sa sarili ko kanina. Kaya din iyak-tawa ako.
Hays.
*flashback*
"Rancis." Tawag niya sa akin ng makatayo na ako.
"Sorry." Napapikit naman ako. Huminga ng malalim. Minulat ulit ang mga mata. Saka tumingin sa paligid kung may mga tao pa.
Wala na masyado.
Humarap na ako. Nag-isip ng sasabihin saka nginitian siya.
"Si Jordan?" Kunwari di ako affected.
"Ha?" Nagulat yata siya sa tanong ko. "Sa canteen."
"Ahh.. Okay.. Sige.." Umiwas na ako ng tingin. Sht. Ngayon ko lang siya naka eye to eye for real! Dati kasi makakasalubong ko lang siya tas titignan niya ako pero laging nasa isip ko, isang imahinsyon ko lamang yun.
"May sasabihin ka pa?" Ang awkward na kase masyado. Di ko na kinakaya. Di na ako makahinga. Naninikip na ang dibdib ko.
Kalma lang Rancis.
"Aalis na ako next friday."
?_?
So?
"Nasabi mo na ba kay Jordan?" Hindi pa din ako tumitingin sa kanya. Basta kung saan saan lang ako nakatingin. Alam ko mang disrespectful yun, what am I supposed to do?? I just can't.
It's too hard.
"That.. Hindi. I never told her."
"Sige. Alis na ako." Nagpapanic na ako. Isang minuto pa? Mahihimatay na talaga ako sa kaba.
"Rancis. Please." Pinaypay ko na ang sarili kong kamay. Hangin! Kailangan ko ng hangin!
Bigla kong naalala yung sinabi ni Jay na bibigay niya yung notebook. Kaya siguro ako kinakausap ni Charlie ngayon.
"Ah alam mo Charlie. Kung binigay man sayo ni Jay yung notebook? Kalimutan mo na yun. Masaya na ako. Masaya ka na. Tapos aalis ka pa.." Napangiti ako, yung nasasaktan na ngiti at tumingin sa kanya.
"Alam ko na 'to eh. Napanuod ko na 'to. Nasabi nga saken ni Jay na hinahanap mo daw ako. Bakit?? Kilala mo ba ako??" Napatingin na ako sa taas dahil namumugto na ang mga mata ko.
"Sorry Charlie. Kung aalis ka man na, iwanan mo na ako dito. Ibaon mo na ako dito sa lugar na 'to at pumunta ka na kung saan ka man pupunta."
"I'll be leaving friday ng gabe. But you know what, I was thinking if we can go on a lunch. On the cruise."
"No."
"No?"
"Just give me some time. Alam ko namang naawa ka lang saken kasi.."
"Trinaydor ka." Siya ang nagtuloy.
"I'm making things right Rancis. Ikaw din dapat. Dapat labas na dito si Jordan. She's just my friend. And I know, ikaw yun eh. Ikaw talaga yun."
Ngumiti na lang ako.
"If you really want me, just give me some time. Makakapunta naman ako dun Charlie. Actually nakapunta na talaga ako sa point na yun. Umalis lang ako kaya naman I have to go back. And I promise. Pagnakarating ako ulit, I'll tell you. Goodbye."
*end of flashback*
What my point dun sa nakarating thingy, is yung pagiging inlove ko sa kanya. Hindi naman kasi kadali yun eh. Ganun ganun na lang? After sa lahat ng maling akala ko?
Choosy man kung choosy. I have to be brave. Narealize ko kasing marami na akong pinaghirapan kay Charlie, and I think si Charlie naman ang maghirap.
Kailangan ko din kasi para sa sarili ko yun. Yung malaman ko yung worth ko. Since umalis yung daddy ko, di ko na alam yung worth ko eh. Dumagdag pa si Jay. Kaya mas lalo akong naguluhan kung meron ba talaga akong worth kasi lahat ng kaclose ko, iniiwan ako.
Worth.
Hindi naman siguro masamang malaman kung ano ba ang worth ko diba?
That's all what I'm asking for.
BINABASA MO ANG
Your Beautiful Stalker
Teen FictionA girl who hides her feeling and follow her crush for a long time. What if the boy waits for her? Would this be the conflict?