"No offense. Manhid ka ba Jordan? Alam mo ng nasaktan mo na yung tao pero hindi ka pa din tumigil?"
"Nagselos ako. Charlie. Dalawa lang yun! Dalawa lang yun.. Kung gusto mo ibigay ko pa sayo ngayon." tinutukoy ko yung kinuha kong note. Kinuha ko naman yung bag ko para kuhanin iyon pero pinigilan niya ako.
"Di na kailangan.. Sayo na yan tutal inangkin mo na." ayaw niya? Ayun yung note na may nakalagay na "I love you."
Sigh
Sa totoo lang. Kanina pa ako nasasaktan sa mga sinasabi niya. Ganun ba siya kagalit saken? Fine! Kung ito ang consequences, bahala na! Sht.
"Jordan, alam mo bang yung status na yun ay para talaga sa bestfriend mo? Baliw man pero I'm hoping na magkaisa lang yung nakasayaw ko at yung nagbibigay sa locker.." hindi ako sumagot pero nagulat ako. Tama nga ang hinala ko noon.
"Ang galing diba? Ang lakas kasi masyado ng instincts ko. Pero malay ko! When I was with her dancing, I just felt, alam mo yun? May kakaiba?"
"Ewan.." Mahina kong sabe. Honestly, hindi ko kasi alam ang isasagot ko sa mga sinasabi niya.
"Okay. Kakain lang ako." sunod na sabi niya. Hindi ko lang man namalayan na lunch time na pala. Nagnod na lang ako sa kanya.
Dito na lang muna ako. Wala naman akong karapatan para sumabay sa kanya. Galit nga siya diba? Magpalamig muna siya ng ulo.
Nagsoundtrip na lang ako. Pinatugtog ko yung all time favorite namin ni Rancis.
np: Whenever by Black eyed peas
Ang saya saya namin tuwing kakantahin yan. May time na mabagal, mabilis. Pang party party. Aish. Siya na lang ba palagi ang nasa isip ko? Kailan ba kami magiging okay?
Nagulat ako ng may humawak sa balikat ko. Napatingin ako.
"Ra..Rancis?" kinabahan ako bigla. Tumingin ako sa paligid at baka kasi makita ni Charlie si Rancis.
"Si Charlie ba hanap mo?" ang cold niya na saken.
"Don't worry. Hinintay ko talagang makalayo siya. Nakakahiya naman kasi sainyo. Kanina pa kayo mag.ka.sa.ma.." may pagdidiin yung mga huling salita na sinabi niya.
"O Jordan? Kailan ka pa na speechless sa mga sinasabi ko? Remember? Bawat pagkwento ko kay Charlie may sinasabi ka?" hindi ko talaga alam ang sasabihin ko o gagawin. Dahil alam kong ako ang may mali.
"Anyways, gusto ko lang talaga bigay sayo 'to." may binigay siya saken na notebook.
"Ano yan, natatandaan mo ba yung plano na sinasabi ko? Well, ayan na siya. Tapos na siya. And thanks to you. Nabuo ko na siya." bitter na sabi niya.
"At tsaka Jordan. Sobrang salamat nga pala sa mga binigay mo.. Salamat sa sakit. Salamat sa lahat ng pakikipagplastikan mo saken. Or should I really say, naging bestfriend nga ba talaga kita?" huminto siya saglet.
"Favor na lang siguro, pakialagaan na lang siya Jordan. And... Good luck! Soon, matatanggap ko din." umalis na siya at ako. Ako'y naiwang nakanganga.
Kinakabahan ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naramdaman kong may tumulong luha. Binuksan ko yung notebook na binigay niya saken. At sa unang pahina pa lang.. Napaiyak na ako ng sobra.
-Charlie Zeran A.K.A. love of my life-
BINABASA MO ANG
Your Beautiful Stalker
Teen FictionA girl who hides her feeling and follow her crush for a long time. What if the boy waits for her? Would this be the conflict?