Chapter Six

151 3 13
                                    

Offline

Days have passed and we're already stressed. I hate stress but sometimes we've got to do, what we've got to do, right? A task is a task. Not that I'm a hardworking person, na halos binubuhas ko nalang lahat ng oras ko sa pag-aaral. Siyempre, I can't live without my social life.

I'm not like Alex who's grade-conscious. I still do care about my grades pero hindi naman iyong grabe na talaga ang pagsusunog ko ng kilay.

I'm just stressed kasi maraming paperworks, assignments and also projects. It's still the first month of the school year at ang dami nang pinapagawa sa amin. My goodness! I need a retail therapy this weekend!

Nandito kami ngayon sa isang coffee shop na malapit lang sa school. I'm with my friends. We're all complete. Most of us have the same vacant time that's why we're all gathered here.

Parang hindi kami mag-barkada ngayon. Kami nga iyong pinakamaingay na grupo sa campus pero ngayon, ang sobrang tahimik namin. Parang dumaan lang ang Diyos. Kahit isa man sa amin, wala talagang nag-sasalita. Well except for Ivan because like me, he can't live without talking or making any noise.

Makulit kasi si Ivan. Siya lang ang may mga random at nonsense na topic. Sinasabayan naman namin siya pero minsan hindi na kami nag-rereact kasi super nonsense na talaga ng mga ibang stories niya.

Seryoso naman ang iba sa mga paperworks at assignments nila. This is what all the schoolworks did to us!

Alex and Nicolas were busy with their laptops. Yna's answering her assignment. JC and Tasha are studying pero naglalandian parin.

Grabe na ba talaga ang tama ng dalawang 'to? It seems like they can't live if they're not together. Look what love can do to them. I don't understand why people love to fall in love? It's just a waste of time. They'll just end up hurting theirselves. Sobra ang kanilang binibigay, ni hindi man lang sila nagtira para sa kanilang sarili. They should first use their brain and set their priorities. I guess the feeling that I felt with my past relationships was just purely infatuation, because I never really felt deeply in love or is it just that.. I really don't know what's the feeling of being in love.

Nagising nalang ako sa pag-iisip ng nagsalita si Travis.

"Ellie, do you want me to help you with your assignment?" he leaned closer to me.

And here we go again with his act of kindness in helping me "as a friend". Like, I know what he's doing. I'm not manhid and I'm not bulag.

Bahagya naman akong lumayo. I'm holding a paper and a ballpen, answering my assignment right now. I started answering this last night and I'm just going to continue it. I drank my green tea first before I answered him.

"Thanks Trav, but I can do it"

"I can help. I'm free. See? I'm not doing anything" he sounded eager.

"No.. it's okay. Kaya ko 'to" I said while looking at him straight in the eyes.

"Well you can use my laptop kung may kailangan kang isearch"

Pero bago pa ako mag-salita. Biglang pumalakpak si Ivan. Napatingin ako sa kanya. Well, hindi lang ako, kaming lahat ay napatingin sa kanya. May patawa-tawa pang nalalaman ang gago. Nababaliw na ba 'to? Bigla lang pumalakpak at tumawa.

Mga kaibigan ko na busy sa kanilang ginagawa ay napahinto dahil sa kanya. We all gave him a confused look. Lahat ng atensyon namin ay nasa kanya. Sinapak na siya ni Yna sa batok kasi ayaw tumigil.

"Hay.. nako.. Travis" panimula ni Ivan habang nakangisi.

Ang mukha ni Travis ay parang hirap na hirap siyang intindihin kung ano ang nangyayari kay Ivan.

Turning Tables (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon