Communicate
Maagang natapos iyong klase namin. Kasama ko ang mga kaibigan ko. Patungo kami ngayon sa basketball court. Gusto lang nilang manood sa practice nina Travis para tuksohin si Ivan.
I wanted to go to the mall and stroll around pero naalala ko na may meeting pa pala kami mamaya. Hindi ko pa natanong kay Kiel kung saan ang meeting. I looked at my watch and it's already four-ten. I texted Kiel kung saan kami magmemeet.
Me: Kiel, where do we meet?
Hindi nakaabot ng isang minuto ay nagreply na siya. What a miracle! He replied fast at ang mas amazing ay nagreply siya. May load na ba 'to? Last time he didn't even reply to my text message.
Kiel: Student-council office, 5 pm sharp.
Paulit-ulit ba talaga sa oras? Yes, Kiel, I know we're going to meet at five. Iyong lugar kung saan tayo mag-memeeting iyong tinatanong ko. Pati naman oras linagay. Magrereply na sana ako kaso siniko naman ako ni Alex.
"Hoy, sino iyang ka text mo ah?"
She looked at my phone, na halos idikit na niya ang mukha niya doon.
"Oy, textmate sila ni Kiel" napalakas ang boses niya, dahilan kung bakit napatingin ang mga kaibigan namin sa akin at sa kanya.
"Hoy! hoy! Ano iyan ah?" sabi ni Ivan na papalapit sa amin.
Ang chismoso talaga. Hinablot ni Ivan ang cellphone ko. See? Hindi talaga gentleman.
"I was just asking kung saan ang meeting namin" I said snatching my phone back from him.
"Ito talaga ang sinasabi ko na from team captain to student-council president real quick" tinuro pa niya si Travis noong sinabi niya na team captain at tumawa.
Our friends heard what he said kaya napatawa rin sila. JC cursed at him. Si Yna naman ang bumatok sa kanya. Travis heard what he said and he glared at Ivan.
"And the team captain is trying to win her back" si Travis na bigla lang nagsalita at ang nagpatahimik sa aming lahat.
Bumilog ang mata ni Ivan at napa-nganga. Alex, Yna and Tasha were in total shock na pareho nilang tinakpan iyong bibig nila. Napatigil naman sa pagtawa si JC at Nicolas. Tinignan sila ni Travis pero ngayon ang mga mata niya ay nasa akin na. I closed my eyes and slightly opened them. I don't want to mislead him.
Ayoko naman na isipin niya na basta magkasama kami may pag-asa pa siya. As what I've said, friends lang talaga kami and maybe I've moved on because I'm not even affected anymore. It's okay with me seeing him dating other girls because I don't care anymore. Parati ko naman 'tong sinasabi sa kanya eh. He just.. he just doesn't listen. But kung iyan ang gusto niya, eh wala na talaga akong pakialam.
Instead of making the atmosphere better. Ivan just made it worst. Kumanta pa ito ng love song.
"Love me like you do.. lololove me like you do" he sang it na nakaekis pa iyong mga kamay sa kanyang dibdib.
"Gago ka talaga kahit kailan" si JC at hinampas ng marahan ang kanyang likod.
"Stupid" Alex muttered na umiiling.
"Tayo na nga" sabi ni Nicolas.
Kaya agad na kaming pumunta sa basketball court. When we arrived there, agad kaming umupo sa mga bleachers. Sila Ivan and Travis pumunta na sa gitna ng court para magwarm-up. Malapit lang kami sa mga players kaya nakita ko si Henzo na nagstretreching.
"Hi Henzo!" I waved at him.
Napalingon-lingon pa siya sa kanyang paligid pero agad naman niya akong nakita. Tinuro pa niya ang kanyang sarili to make sure na siya ba iyong kinakakawayan ko. I nod and laughed dahil sa inasta niya. Kumaway siya pabalik pero he stopped when Ivan shouted.
BINABASA MO ANG
Turning Tables (ON-GOING)
Romans"Never in my life I beg, but I don't care anymore. I wan't you. I want you back, Ellie. Please, come back..." What if time and heartbreaks will change their feelings. Are they really going to end up together or maybe they are just not meant for each...