Hazel POV:
Nandito kami ngyon nila tyler, zoey, nathan, coraline at avril sa canteen , kumakain.
"Guys, sa tingin niyo sino kaya si CC?!" Tanong ni Coraline.
"I don't know?!" Nakalumbabang sabi ni Tyler.
"Pero ang ipinagtataka ko bakit laging si Hazel ang isinisisi? Bakit siya nalang lagi ang puntirya? " tanong ni Zoey.
Iyan rin ang isa sa mga iniisip ko!
Bakit ako pa?!Bigla kaming napatayo ng biglang may sumigaw sa labas ng canteen.
Agad kaming tumakbo palabas pati narin yung iba pang estudyante.
Pagkalabas namin agad namin nakita ang isang lalaki na takot na takot at ang bangkay ng isa pang lalaki na may hiwa sa ulo at may nakatatak na CC sa noo ng lalaki.
Agad namang dumating si Hunter at tinawagan yung mga detective at police ng school.
Nalaman ko rin na Sydney Aquino yung pangalan ng lalaki na namatay.
Ano bang pakay ng CC nayan at kailangan niya pang pumatay ng maraming estudyante?!
Naglakad lakad muna ako dahil wala pa namang klase, habang naglalakad ako bigla akong napatakip sa ilong ko.
"Arghh, ang baho!!" Bulong ko.
Naglakad lakad pa ako para malaman kung saan nanggagaling yung amoy na iyon.
Hanggang mapa i stop ako sa tapat ng c.r ng girls.
Pumasok ako sa c.r , binuksan ko yung ilaw dahil patay ito.
Pagkabukas ko agad ko agad iniikot yung paningin ko sa buong c.r , pero wala akong nakita. Naglakad ako papunta sa isang cubicle ng c.r , pagbukas ko walang tao.
Lumakad ako ng unti para makapunta sa pangalawang cubicle, dahan dahan kong binuksan yung pinto, laking gulat ko ng nakakita ako ng isang matanda na babae na naka upo sa toilet bowl habang nakayuko.
Mas nagulat ako ng bigla itong tumayo at hinawakan ako sa braso.
"Ahhhhh!!! Tulong!!!" Sigaw ko.
Napatingin ako sa mukha ng matandang babae , siguro ay isang siyang janitress. Tahi ang kanyang bibig!!
Naitulak ko siya palayo at tumakbo palabas ng c.r
Pagkalabas na pagkalabas ko sa pinto bigla akong may nabangga na lalaki.
Huminga ako ng malalim, nakakatakot siya!
"T-tulungan mo ako!" Kinakabahang sabi ko.
Hindi niya ako pinansin at nilagpasan lang ako!!
"Kuya please!! Kailangan ko ang tulong mo!" Pasigaw na sabi ko. Agad naman siyang lumingon.
At agad na naglakad papunta sa akin.
Agad ko siyang hinatak papunta sa loob ng c.r
Bigla naman siyang huminto nung nasa tapat kami ng c.r , nakita kong kumunot yung noo niya, ano naman bang iniisip niya?!
"Kuya dali na pumasok ka na wala akong gagawin sayo!" Sabi ko sabay hatak papasok sa kanya.
Binitawan ko siya at agad na pumunta sa pangalawang cubicle.
Nakita ko doon yung matanda na naka upo sa sahig dahil siguro sa pagkakatulak ko sakanya.
Napalingon naman ako sa likod ko at nakita ko si kuya.
BINABASA MO ANG
Birth Stone Academy
Mystery / ThrillerSya si Hazel Zoe Collins,an ordinary girl with an ordinary life. pero simula ng nilipat sya sa BIRTH STONE ACADEMY nagbago ang lahat.this story is about adventure,fantasy,romance and magic. WELCOME TO BIRTH STONE ACADEMY Inspired by: Tantei High, C...