Pagkaalis ko ng court pumunta ako sa may garden. At umupo sa ilalim ng puno."Ate..."
Kaagad akong napalingon sa gilid ko at nakita ko si Jack.
"Oh? Jack" masayang sabi ko.
Ngumiti naman siya.
"Iniintay ka na nila" kaagad na napakunot yung noo ko.
"Sinong sila?"
"Audrey..."
Kaagad akong napatayo sa pagkasabi niya ng pangalan ni mama.
"Asaan sila?" Masiglang tanong ko.
"Dorm ni Carlo" sabi niya.
---------
Kaagad kong binuksan yung pinto pagkaharap namin sa dorm ni Carlo.
Ang magandang mukha ni mama kaagad ang nakita ko.
"Ma!" Naiiyak na sabi ko sabay takbo papunta sakanya at saka niyakap siya ng mahigpit.
"Hazel" pumiyok na sabi ni mama.
"Okay ka lang ba anak?" Tanong niya.
Tumango naman ako.
"Okay ka lang ba dito?" Tanong niya.
Tumango nalang ulit ako at saka mas hinigpitan pa yung pagkakayakap ko sakanya.
Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si tita.
"Tita!" Masayang sabi ko.
Ngumiti naman siya. Kaya ngumiti narin lang ako.
Humiwalay ako sa pagkakayakap kay mama.
"Ahm... Tita alam niyo po ba yung tungkol kay Anne?" Tanong ko.
"Anong tungkol kay anne?" Gulat na sabi niya.
"B-buhay siya tita"
Nakita kong tumulo yung luha niya.
"Haha..." Naiiyak na tawa niya" imposible! Paano?" Ummiyak na sabi niya.
Nagulat ako nung biglang bumukas yung pinto at iniluwa nito si Anne.
"Mama!" Sigaw niya sabay lapit kay tita.
Hindi nakagalaw si tita sa kinakatayuan niya.
"Ma... Sorry, sorry... Patawarin mo ako please!" Umiiyak na sabi ni Anne.
"Paano?"
-------------
Nakaupo kaming lahat ngayon at iniintay na magsalita si Anne.
"Anne.." Tawag ko . Kaagad naman siyang napalunok saka tumango.
Anne pov
Flashback:
Nagising nalang ako ng may narinig akong naguusap.
"Bakit mo siya binuhay?! Paano kung isa pala siyang kalaban?"
Kaagad akong napadilat at nakakita ako ng isang babae at lalaki na nag uusap. Inikot ko pa ang paningin ko at may nakita akong mga nakaupo sa mahabang sofa.
"Gising na siya" sabi ng isang lalaking nakaupo sa sofa.
Kaagad na lumapit saakin yung lalaking kausap ng babae kanina.
"Ayos kalang ba?"
Tumango ako sa tanong niya.
"Nasaan ako?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Birth Stone Academy
Mystery / ThrillerSya si Hazel Zoe Collins,an ordinary girl with an ordinary life. pero simula ng nilipat sya sa BIRTH STONE ACADEMY nagbago ang lahat.this story is about adventure,fantasy,romance and magic. WELCOME TO BIRTH STONE ACADEMY Inspired by: Tantei High, C...