Chapter 30:Prince Zephyr Salazar

277 12 11
                                    

Napailing ako ng marinig ko ang sinabi niya.

"H-hazel..." Napapikit ako ng mariin. Bakit hindi ko kaagad nalaman?

Humakbang siya papalapit saakin na ikinaatras ko.

"H-huwag kang lumapit" napakunot naman ang kanyang noo.

"Hazel please... Makinig ka muna saakin" umiling ako tumalikod sa kanya.

"Pupunta na ako kay Nathan" sabi ko sabay lakad.

Nagulat ako ng nasa harap ko na siya at nakahawak sa magkabilang balikat ko.

"Bitawan mo ako Prince" sabi ko habang pinipigilan ang luha kong tumulo.

"Nathan?!" Galit na sabi niya.

"Bakit? Ka dorm ko siya kaya pupunta na ako sa kanya!" Sigaw ko.

"Hindi ka aalis dito hanggat hindi tayo nakakapag usap" madiing sabi niya.

"Naguusap na tayo diba? Kaya aalis na ako" sabi ko at saka siya nilagpasan.

Pero nagulat ako ng bigla niya akong hinawakan at napunta kami sa ibang lugar.

"Nasaan tayo?!" Inis na sabi ko.

"Dorm" napatingin naman ako sa paligid at pinagmasdan ang dorm niya.

Kaagad akong napatingin sa table niya ng makita ko ang isang picture frame .

Kaming dalawa ang nasa litrato.

"Nasayo parin pala yan" saad ko,kaagad naman siyang napatingin kung saan ako nakatingin.

"Bakit ko naman itatapon yan kung Mahal ko ang kasama ko diyan?" Nanigas ako sa kinakatayuan ko at napalunok.

Napatingin ako sa kanya.

Kaagad kong iniwas ang mga mata ko ng nakita ko siyang nakatingin saakin.

"Maupo ka" aniya.

"Hindi na , uuwi na rin naman ako sa dorm" sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya.

Napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakapikit. Maamo parin pala ang kanyang mukha.

Napaiwas ako ng tingin ng bigla siyang dumilat.

"Prince ... Uuwi na ako" sabi ko.

"Mamaya na,umupo ka muna. Ihahatid nalang kita sa dorm niyo" aniya.

"Baka nag aalala na sila Nathan!" Inis na sabi ko.

"Bakit ba bukang bibig mo nalang lagi yang Nathan na yan!" Inis na sabi niya.

"Ano ba Prince! Syempre ka dorm ko siya! Kaibigan ko siya!" Inis na sabi ko.

"Kaibigan nga lang ba?" Malungkot na sabi niya.

"Ewan ko sayo!" Inis na sabi ko.

"Sagutin mo ang tanong ko Hazel" nakatingin na  sabi niya.

"Malamang!" Inis na sabi ko, na ikina ngiti niya.

"Pwedeng magtanong?"

"Nagtatanong kana nga eh" sabi ko.

Kaagad akong nanigas sa tanong niya.

"M-may gusto ka parin ba saakin?"

Hindi ko sinagot ang tanong niya.

"Hazel ... Please " napatingin ako sa kanya .

Napapikit ako ng mariin.

Masakit mang sabihin pero hangang gayon mahal parin kita Prince.

"H-hazel..."

Birth Stone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon