Avril Pov:Hayyss! Dapat mag ka room nalang kami ni ate Coraline eh! Mag isa na naman tuloy akong naglalakad papunta sa dorm! Ang creepy pa naman ng karoom ko!
Biglang magtaasan yung baliho ko ng biglang umuhip ang malakas na hangin.
Agad akong napayakap sa katawan ko.
"Whooo... " sabi ko sabay himas sa braso ko.
Binilisan ko yung paglalakad ko.
Malapit na ako!!! Unting lakad nalang!
Malapit na ako sa room namin ng biglang may gumulong na maliit na bola sa may paahan ko.
Gezzz!!
Napatingin ako sa hallway at laking gulat ko sa nakita ko!
May manika na nakatayo sa hallway ...at nakakatakot yung itsura niya!
Itim yung mata ,buhok,at damit ...at tila luma na ito kung titignan!
Napaatras ako...
Tumalikod agad ako ... Tatakbo na sana ako .....
"Whaaaaaa!!!!" Sigaw ko.
Nakita ko naman yung batang babae na nakaitim din na ngumiti sa akin.
"S-sino ka?!" Sigaw ko. Nakangiti parin siya sa akin.
Bat ba ang unti ng dumadaan dito?!
Bigla akong naka rinig ng yapak galing sa likod ko... D*mn yung manika!!!
Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko! Nagtatayuan na rin yung balahibo ko!
"Ahhhhh!!!!!" Sigaw ko ng may humawak sa balikat ko.
----------------
Coraline Pov:
"Nakita niyo ba si Avril?!" Tanong ko sakanila.
"Hindi bakit?" Naka kunot na noong tanong saakin ni Tyler.
Asaan na kaya yun?! Nandito na si Hazel pero siya wala parin. Hindi naman siya na l-late ah!
"Baka naman nag cr lang"sabi ni Zoey sabay kagat sa tinapay na hawak niya.
Nagkibit balikat naman ako.
"Hanapin kaya natin siya" sabi naman ni Hazel. Tumango naman ako at tumayo sa kinauupuan ko. Nandito nga pala kami sa room namin ni Zoey.
"Tara!" Sabi ni Nathan.
Lumabas kami ng room namin.
"Saan naman natin siya hahanapin?" Tanong ko.
"Doon muna tayo sa room niya" sabi ni Hazel.
Tumango naman kami.
Sinimulan na namin yung paghahanap kay Avril.
Kung saan saan na kami pumunta pero di parin namin makita si Avril!
Naikot na namin ang buong building pero di parin namin siya makita!
"AVRIL!!!!!!" Sigaw ko.
"Asaan ka na ba?!!!" Sigaw ni Nathan.
"Guys! Pahinga na muna tayo! Gabi na oh ! " sabi ni Zoey.
BINABASA MO ANG
Birth Stone Academy
Mystery / ThrillerSya si Hazel Zoe Collins,an ordinary girl with an ordinary life. pero simula ng nilipat sya sa BIRTH STONE ACADEMY nagbago ang lahat.this story is about adventure,fantasy,romance and magic. WELCOME TO BIRTH STONE ACADEMY Inspired by: Tantei High, C...