"P-prince... I-ikaw yung?...""Yeah"
Napailing ako sa narinig ko.
Ibig sabihin ba nito ... Si Prince at yung nasa panaginip ko ay iisa?!
"Tama ka ng iniisip Hazel..." Nagulat ako nung nagsalita siya.
"Paano mo nalaman yung in..." Pinutol niya yung sasabihin ko.
"Secret"
Sarcastic akong natawa.
"Sino ka ba talaga?" Sabi ko.
Umiwas siya ng tingin.
"Paano mo nalaman yung pangalan ko? Paano mo ako natunton sa gubat? At b-bakit mo kilala si A-anne?"
Sunod sunod na tanong ko.
Narinig ko naman siyang huminga ng malalim.
"Paano ko nalaman ang pangalan mo? Nagpakilala ako. Pangalawa... Humingi ka ng tulong diba? Pangatlo, sabay lang kayong pumasok dito" aniya.
Matagal ng nandito si Anne?!
Muli akong napailing sa sinabi niya.
Paano?!
Bakit siya nag lihim?!!
D*mn!!
Tumalikod ako at nagsimulang mag lakad... Bahala na kung saan ako mapadpad.
Binilisan ko yung paglalakad ko.
Pero agad na may humawak saakin at iniharap ako sakanya.
"Saan ka pupunta?!" Galit na sabi niya saakin.
"Ano bang pake mo ha?!" Sigaw ko.
Hindi siya sumagot
"Gusto kong mapag isa okay?! Gulong gulo na ako PRINCE! please... Hayaan mo muna akong mapag isa?!" Sigaw ko at kasabay nyon ang pagtulo ng luha ko.
Kaagad akong tumalikod sakanya at pinunasan ang luha ko.
Nagulat ako nung bigla siyang yumakap sa likod ko.
Hindi kaagad ako nakagalaw sa ginawa niya.
"B-bitawan mo ako Prince!" Matigas na sabi ko.
Pero mas lalo niya pang hinigpitan yung pagkakayakap saakin.
Pilit kong inaalis yung braso niyang nakapulupot sa akin pero lalo niyang hinihigpitan.
"Prince please! Tumigil kana!" Sigaw ko. At diko na napigilang humikbi.
"Shhh... S-sorry..." Sabi niya sabay bitaw saakin.
Kaagad akong tumakbo paalis sakanya.
Nababaliw na ba siya?!
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa matumba na ako sa sobrang pagod.
Naglakad ako ng kaunti hanggang sa nakakita ako ng malinis na Sapa.
Kaagad akong tumakbo doon at uminom .
Pagkatapos kong uminom nag hilamos narin ako ng mukha.
Umupo ako sa may puno at sumandal.
Unti unting umikot yung paningin ko.
Anong nangyayari?!
Tumayo ako at sinubukang maglakad pero sobrang sakit ng ulo ko at nahihilo pa ako!
Napatingin ako sa sapa at laking gulat ko kung ano ang nangyayari sa sapa!!
Kumukulo at unti -unti itong nagiging itim.
Natumba na ako sa sobrang hilo.
Gumapang ako hanggang sa makakaya ko.
Kailangan kong makabalik...
Unti unting nangangati yung lalamunan ko.
At umiinit narin yung buong katawan ko.
Arghh!!!
Unti unting tumulo yung luha ko.
"T-tulong..."
Pero bago pa dumilim yung paningin ko... May naaninag akong tumatakbong lalaki.
"Hazel!!" Sigaw niya habang papalapit sa akin.
"P-prince..."
---------------
Pabitin muna po!
Sorry po kung bitin!*^▁^*Sana po magustuhan niyo po ang Chapter na ito.
Vote and Comments narin po
Pasensya na po sa wrong grammar at wrong spelling ^_^
Huwag niyo rin pong kakalimutan na basahin ang isa ko pa pong story≧﹏≦
Birth Stone Academy
Written by: blue _baemax
BINABASA MO ANG
Birth Stone Academy
Mystery / ThrillerSya si Hazel Zoe Collins,an ordinary girl with an ordinary life. pero simula ng nilipat sya sa BIRTH STONE ACADEMY nagbago ang lahat.this story is about adventure,fantasy,romance and magic. WELCOME TO BIRTH STONE ACADEMY Inspired by: Tantei High, C...