Ariana Pov:
"Emily ! Bilisan mo nga ,baka hindi ko na maabutan si Hunter!" Bulyaw ko kay Emily.
"Di makapag intay? Atat lang?!" Aniya sabay irap saakin.
"Bilisan mo na nga lang!"
Ang bagal bagal talaga ng babaeng to!!
Naglakad na ako at iniwan si Emily.
"Ouch!!" Nakabungo lang naman ako ng babaeng...
"N-nicole?!"
Geez! Akala ko ba patay na siya?
Bat sabi ni ...
"Ariana!" Lumingon ako at nakita ko si Emily na nakanuot yung noo.
Pag tingin ko sa harap ko wala na siya.
Lumingon lingon ako pero diko na siya nakita.
"Baliw ka ! Lumagpas na sayo si Hunter lingon ka pa ng lingon!" Aniya.
"Hindi si Hunter, Emily!!! , si N-nicole!" Sigaw ko pero mahina na yung sa nicole.
Nanlaki naman yung mata niya.
"P-pero di ba patay na daw si N-nicole?!" Gulat na sabi niya ... Nagtinginan naman yung mga tao saamin, pero isa lang ang napansin ko... Si Zoey na napatigil sa paglalakad.
Coraline Pov:
Aisshh!! Nababaliw na ako dito kay Avril!!
"Avril ... Isang tanong nalang to... Ano bang nangyari?!" Sigaw ko na sakanya.
Ngumisi naman siya.
"Buhay... Siya!" Nakangiting sabi niya.
"P*ta naman ! Avril! Umayos ka nga ng sagot! Nakakabanas ka na ah!" Sigaw ko!!.
"Coraline hayaan muna natin siyang magsalita." Sabi ni Tyler.
Inirapan ko lang siya. Bwisit!
Tumingin ng matalas sa akin si Avril.
"Lumayo kayo kay Zoey ate. Hindi niyo siya kilala." Madiing sabi niya.
Sinaman ko siya ng tingin.
"Ano bang pinagsasabi mo ha! Avril dikana nakakatuwa ! Umayos ka!" Bulyaw ko sakanya.
Tumayo siya sa pagkakaupo sa higaan at lumabas ng dorm namin ni Zoey.
Napailing nalang ako.
Tinignan ko naman sila Tyler.
Nakayuko lang sila at tila ang lalim ng iniisip.
Napaupo nalang ako sa sofa at yumuko.
Hazel Pov:
Lumabas ako ng dorm nila Coraline at hinabol si Avril.
Sinundan ko lang siya hanggang sa tumigil siya sa garden.
Umupo siya sa damo at nilaro niya yung mga daliri niya.
"Bakit mo ako sinusundan?" Sabi niya sabay lingon sa akin.
"Ahh may itatanong lang ako" sabi ko tsaka naglakad papunta sakanya at umupo sa tabi niya.
"Ano yun?" Aniya.
"Bakit galit na galit ka kay Zoey simula nung nawala ka? Ano bang nangyari nung mga araw na iyon? At sino ba si Nicole?" Sunod sunod na tanong ko.
"Si Nicole, matalik na kaibigan namin siya ni ate... Pero simula ng sinabi saamin ni Zoey na kinakaibigan lang kami ni Nicole para mapalapit kay Nathan...nagalit ako sakanya ,tinapon ko lahat ng gamit na ibinigay niya saamin... Pati narin yung manika na hawak hawak ko nung isang araw. Pero isang araw nalaman namin na patay na siya, nagalit ako niyon sa sarili ko kasi namatay siya ng mag kaaway kami. At si Zoey rin yung nagsabi saamin na patay na siya. " Aniya.
BINABASA MO ANG
Birth Stone Academy
Misteri / ThrillerSya si Hazel Zoe Collins,an ordinary girl with an ordinary life. pero simula ng nilipat sya sa BIRTH STONE ACADEMY nagbago ang lahat.this story is about adventure,fantasy,romance and magic. WELCOME TO BIRTH STONE ACADEMY Inspired by: Tantei High, C...