Chapter 23: Imposible!!

238 11 7
                                    

"Ahhhh!!" Sigaw ng bababeng bata.

Kaagad ko siyang nilagay sa may likuran ko.

"Wag kang aalis dito okay?" Kinakabahang sabi ko.

"Ate natatakot ako" nanginginig na sabi niya.

"A-anong pangalan mo?" Tanong ko.

"Celine" aniya.

"Okay, Celine... Pag sinabi kong takbo tumakbo ka okay? Pag kaalis mo sa gubat na to, mang hingi ka kaagad ng tulong okay?!" Sabi ko.

"O-opo" nangnginig na sabi niya.

Kaagad ko namang inilabas ang wand ko at itinutok sa mga wolves.

"Okay Celine, .... Takbo!!" Sigaw ko kaagad naman siyang tumakbo.

Pero nagulat ako ng biglang sumunod sakanya ang isang wolf.

"Celine !" Sigaw ko.

"Affiliction!!" Sabi ko at itinutok sa wolf na kasalukuyang humahabol kay Celine.

Agad namang natumba ang Wolf na humahabol sa kanya.

Napangiti ako.

Ligtas siya....

"Ahh!" Sigaw ko.

Nagulat ako ng bigla nalang akong tumalsik at tumama sa malaking ugat ng puno.

Nakita ko naman ang isang wolf na kulay brown na nakaamba saakin.

Itinutok ko kaagad sa wolf yung Wand ko.

"Ate!" Rinig kong sigaw ni Celine.

Kaagad akong napatingin sakanya, nakita ko siyang nakatayo at nagaalalang nakatingin saakin.

"O-okay lang ako Celine ... Tumakbo ka na! Bilis!" Nanghihinang sabi ko.

Ang sakit ng balakang ko! Punyeta!

Hirap akong tumayo sa pagkakatumba ko.

Umungol ng malakas yung Wolf na nasa harapan ko.

Tinignan ko sa mata yung wolf.

Tila nasasaktan ang nakikita ko sa mga mata ng asong lobo na ito.

Iniangat ko ang aking kamay at dahang dahang hinawakan ang tuktok ng ulo nito.

Dahan dahang umupo ang asong lobo pag kahawak ko sa ulo niya.

Napangiti ako.

Napapaamo ko siya.

Hinimas himas ko ang ulo niya.

Kaagad namang nagsilapitan ang iba pang asong lobo.

Susugurin sana nila ako ,pero biglang umungol na malakas ang asong lobo at tumigil sila sa pagsugod sa akin.

Tila ba nag uusap sila.

Kaagad rin namang umupo ang iba pang wolf sa tabi ko.

Pero mas ikinagulat ko ang mga sumunod na nangyari!



Unti unti silang nagiging tao!!

Kaagad akong napatingin sa babaeng nasa harapan ko.


At mas ikinalaki ng mata ko kung sino ang nasa harap ko!




"A-anne?!" Kaagad akong napaluhod sa kinalatayuan ko at nanghina.




"H-hazel..." Naiiyak na sabi niya.


Napailing ako.



"I-imposible... H-hindi to totoo! Nakita ng dalawang mata ko ang n-nangyari sayo..." Kasabay non ang maainit na pagtulo ng mga luha ko sa pisnge ko.

Birth Stone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon