Chapter 29: Professor Perseus Porter

253 10 21
                                    


Hazel POV:

Ilang linggo na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay sinisisi ko parin ang sarili ko sa pag kawala na naman ni Anne.

Bakit ako pa?

Bakit ako ang hinahanap nila?

Napasabunot nalang ako sa buhok ko at saka napasandal sa lamesa ko.

"Okay, class dismiss"

Kaagad na nag silabasan yung mga kakalase ko.

"Miss Collins" kaagad akong napatingin kay  sir. Dalton

"Po?"

"Pinapatawag ka ni Professor Porter"

Ang iba sa mga kaklase ko ay napatigil sa ginagawa at napatingin saakin.

"W-what?" Gulong tanong ko.

"Omyy ghad! "

"Makikita niya si Professor Porter!"

Bulungan ng mga kaklase ko.

Naglakad na si Sir. Dalton kaya sumunod ako sakanya.

Lumabas kami ng building A3 .

"Ahmm... Sir saang building po tayo?"

"A1 Perseus building" parang ngayon ko lang narinig yun ah? Ang pagkakaalam ko A1,A2,A3 lang ang building dito?

Napatigil ako sa paglalakad ng biglang tumigil si Sir.

Eh? Pader lang naman to ah?

Biglang inilabas ni Sir yung wand niya.

Pinokpok niya ng tatlong beses yung wand niya sa pader.

Nanlaki yung mata ko ng bigla itong nag crack.

Pag ka crack ay nagsihulugan ito at nagkaroon ng espasyo para makapasok kami.

Pumasok si Sir. Kaya sumunod ako sakanya.

Napalingon naman ako sa pader kanina at unti unti na itong bumabalik sa pagkakaayos nito.

Kaagad akong napa angat ng ulo ng makakita ako ng mataas na tower.

"Whoahh..."

Pinagpatuloy namin ang paglalakad hanggang makarating na kami sa harapan nito.

May pinto dito na maliit kaya yumuko pa kami para lang makapasok.

"Argh! Ayoko talaga dito" rinig kong sabi ni Sir.

"Bakit po ?"

Bigla namang sumara yung pinto at namatay yung ilaw.

Biglang may bumukas na ilaw pero mahina lamanh ang sinag nito.

"Nasaan tayo Sir?" Tanong ko .

"Old fashioned Elevator?"

Nagulat ako ng biglang nagsara ang elevator at yung pinto niya pa ay parang gate grills.

Sinundan naman ito ng isa pang pinto na gawa sa salamin kaya nakita namin ang mga itsura namin.

Dahan dahan kong hinawakan yung buhok ko na nakatayo.

"What the .... Whaaaaaaaaaa!!!!"

Napasigaw ako ng biglang umandar ng napakabilis yung elevator paakyat.

Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng tumunog na yung elevator.

Ngayon alam ko na kung bakit ayaw dito ni Sir.

Birth Stone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon