Hazel POV:
Hindi ako makapaniwala na may mga tao pa palang nagpapanggap lang na mabait pero sa huli sila rin pala yung magtataksil sayo.
Kagaya nalang ng nangyari saakin dati.
"Hazel! Lika na ! Kain na tayo" sigaw saakin ni Avril at hinatak ako papuntang canteen.
Pagkaupo na pagkaupo namin nag order kaagad si Avril at Coraline.
Agad akong napatingin sa may pinto ng canteen pagka upo ko...
May babaeng nakatingin saakin, may takip siya sa mata.
Kulay Violet ang kanyang buhok at grey.ang mata niya.
Sino siya?
Agad naman akong napatingin kala
Avril na papaupo na ."Tara kain na tayo!" Masiglang sabi ni Coraline.
"Nasaan nga pala sila Zoey?" Tanong ko. Nagkibit balikat naman sila.
Habang kumakain ako nakatingin lang ako sa babaeng Violet yung buhok, bat basya nakatayo lang diyan? Bat siya nakatingin saakin?
"Anong tinitignan mo?" Tanong ni Coraline.
Agad naman akong tumingin sa kanya.
"Ahh wala" sabi ko sabay inom ng juice.
Tumango naman siya.
------------------
Naglalakad kami ngayon nila Avril papuntang sa mga dorm namin.
"Ahhh Hazel mauna na ako, bye!" Sabi ni Coraline.
"Ahh ako rin Hazel!" Sabi ni Avril. Tumango nalang ako.
Hayyy! Mag isa na naman ako.
Bigla akong napatingin sa likod ko ng biglang may kumalabit saakin...
"Sino yun?" Wala namang tao?!
Binilisan ko yung pag lalakad ko ,dahil pakiramdam ko ay may nag mamanman saakin.
Napatigil ako sa paglalakad ng biglang sumulpot si Sir.Dalton Greene.
"Ohh bat parang nagmamadali ka?" Takang tanong ni Sir.
"Ahh wala po sir" sabi ko at kasabay ng pagihip ng malakas na hangin.
"Ahh pwede ba pakisuyo Hazel?" Aniya.
Tumango naman ako.
"Pakitawag naman si ma'am Diana sa A2 Building , paki sabi pinapatawag ko siya" aniya sabay tapik saakin sa likod.
"Mauna na ako" aniya.
Sinimulan ko naring maglakad papuntang A2 Building.
---------------
Pumasok ako sa malaking pinto ng A2 Building.
At nakita ko namang puro Violet lahat ng gamit sa loob... Weird?!
Biglang may humarang saakin na guard.
"Sino pong kailangan nyo?" Tanong ni manong guard.
"Ahh si ma'am Diana po?!" Nagaalinlangan ko pang sagot.
"Ahh ... Pumunta ka na lang kay Hunter nandoon siya sa kaliwang hallway... Nasa dulo yung office niya" nakangiting sabi ni manong guard.
Tumango naman ako at sinimulan ng mag lakad.
Habang naglalakad ako diko maiwasang igala yung mata ko... Ang gaganda kasi ng gamit dito.
BINABASA MO ANG
Birth Stone Academy
Mystery / ThrillerSya si Hazel Zoe Collins,an ordinary girl with an ordinary life. pero simula ng nilipat sya sa BIRTH STONE ACADEMY nagbago ang lahat.this story is about adventure,fantasy,romance and magic. WELCOME TO BIRTH STONE ACADEMY Inspired by: Tantei High, C...