Chapter 33: Preparation

367 10 8
                                    

Hi po! Pasensya na po pala kung ngayon lang ako nakapag UD ,marami po kasi akong ginawa nung nakaraang linggo sana po maunawaan niyo

Xoxo

-------------------

Ilang buwan na ang nakalipas pero hanggang ngayon hindi ko parin sila pinapansin, gustong gusto ko na silang kausapin pero mas nangingibabaw parin ang pag kainis ko sa kanila.

Kaya nag iisa ako ngayon papunta sa canteen.

Halos lahat ng taong madadaan ko ay lumalayo saakin. Ganon nalang ba para katakutan nila ako?

"Lumayo tayo sa kanya baka kung anong gawin niya saatin"

"Nakakatakot siya!"

Napayuko nalang ako habang nag lalakad.

Napatigil ako sa pag lalakad ng biglang may humarang sa dinadaanan ko.

Si Ariana at Emily

"Omy ghad! Yung mata mo!" Natatakot na sabi ni Ariana.

Oo nga pala, wala na rin namang kwenta yung eyepatch ko dahil alam na naman namin ang lahat ng totoo kaya hindi ko na iyon isinuot.

"Ariana! Halika na !" Sigaw sakanya ni Emily at saka hinatak. Pero hindi nag pahatak si Ariana.

"Ikaw Hazel! Ngayong alam na natin na ikaw ang pinakamalakas , gagamitin mo ba yan para kalabanin ako!" Sigaw niya saakin.

"Anong pinagsasabi mo?" Naguguluhang tanong ko sakanya.

"Tsk! Maang maangan ka pa! Alam naman natin na pwede mo kaming patayin! Galit ako sayo! Nakakainis ka! Bakit ikaw pa!" Sigaw niya at mag simulang umiyak.

Lahat ng tao ay nasaamin ang tingin.

"Ano bang pinag sasabi mo?" Inis na tanong ko.

Patuloy lang siya sa pag iyak at parang kinukuha ang itensyon ng mga tao.

Pero halata namang peke ang iyak niya . Luminga linga ako .

Muli akong tumingin kay Ariana at sinundan ng tingin ang tinitignan niya.

Hunter

Napangisi ako.

"Alam mo Ariana, huwag ka nang umarte diyan , mag papapansin ka na ngalang dinamay mo pa ako" natatawang sabi ko.

Napaayos naman siya ng tayo at kinunutan ako ng noo.

"Paano mo nalama..."

Hindi ko na siya pinatapos mag salita dahil kakain pa ako.

"H-hoy! Hazel, bumalik ka dito!!!" Sigaw niya. Pero di ko parin siya pinansin.

-----------

Umupo ako sa pinakadulong lamesa at saka doon sinimulang kumain.

Tumitingin tingin lang ako sa paligid at baka sakaling makita ko siya.

Wala namang silbi yung pag tingin tingin ko sakanya kung wala naman siya dito.

Yumuko ako at kumain nalang.

Napaangat ako ng ulo ng may nag lapag ng tray sa lamesa ko.

"Ikaw pala Hunter"

"Musta na? " nakangiting tanong niya.

Nag kibit balikat lang ako.

"Nga pala pinapabigay ni Nathan" may nilapag naman siyang papel sa lamesa.

Hindi ko yun kinuha at tuloy lang sa pag kain.

"Basahin mo, malay mo mahalaga iyan diba?" Aniya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Birth Stone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon