Chapter 18:Not All Angels Are Angels

336 17 5
                                    

Hazel POV:


"May sasabihin ako sayo" sabi ni Carlo.

"B-bakit?" Naiilang na sabi ko, totoo kaya yung sinasabi ni Jack na kapatid ko siya?

"Sumama ka sa akin"malamig na sabi niya.

"S-aa..." Bago ko pa matapos yung sasabihin ko bigla niya akong hinatak.


Dinala niya ako sa may garden.

"A-alam mo na ba?" Aniya.

"N-na kuya kita?" Tanong ko .

Tumango na man siya. Too ba to??

"Paano nangyari yun?" Naguguluhang sabi ko.

"Mahabang istorya Hazel, malalaman mo rin yan sa takdang panahon, ang tanging gawin mo lang ay magtiwala saamin ni Jack, wala namang mawawala sayo diba ? Wag kang basta basta magtitiwala sa iba , dahil ang iba diyan ay nagbabalat anyo lang, na akala mo anghel kung umasta yun pala ay maala demonyo ang ugali. Makinig kang mabuti saakin Hazel, hindi lahat ng mabait sayo ay mananatiling mabait! Dahil kung minsan mas anghel pa ang demonyo kesa sa anghel." Natamaan naman ako sa sinabi niya, tama dapat hindi agad ako nag titiwala , dahil baka mangyari na naman ang pilit kong kinakalimutan.

Hindi agad ako nakapag salita.

"Nakikinig kaba?" Aniya.

Tumango naman ako, ayoko ng maalala pa ang nakaraan.

"N-naniniwala ka na ba?" Tanong niya.

"Oo" pag kasabi ko nyon bigla naman siyang ngumiti at niyakap ako ng mahigpit.

"P-pero nasaktan ako doon sa pinagbintangan mo akong si CC" Nakasimangot na sabi niya. Paano niya nalaman?

"P-paano mo nalaman?" Gulat kong sabi.

"Ahh , ayun ba? Sinundan kasi kita nyon ,tas ayun narinig ko."simple niyang sabi.

"P-paano mo naman yun narinig eh ,nasa loob na ako nung kinuha ko yung notebook mo ?!" Takang tanong ko.

Ngumiti naman siya" malakas kasi pandinig ko!" Natatawang sabi niya. Napatango naman ako.

"Oh siya, tara na ... May klase pa tayo!" Sabi niya sabay hatak na naman saakin, naalala ko na naman yung lalaki sa panaginip ko,bat ba kasi siya nakaganon! Diko tuloy siya makilala!

-----------------

Nandito na ako ngayon sa room.

"Hazel, saan ka galing?" Napalingon naman ako sa gilid ko at nakita ko si Nathan na naka busangot, nangyare dito?

Napatawa naman ako sa mukha niya"nag c.r lang" natatawang sabi ko.

"Bat natatawa ka?" Tanong niya.

"Wala!" Natatawang sabi ko parin.

Sinamaan niya ako ng tingin, pfft... First time ko siyang makita na naiinis hahah.

"Hahahah"mahinang tawa ko.

Kumunot naman yung noo niya. Pfftt.

"Bat Happy ka?" Aniya.

"Secret!" Sabi ko sabay belat sa kanya.

"Isa! Sasabihin mo sasabihin mo!" Sabi niya.

"Dalaw..."

"Ms. Collins and Mr. Chandler!" Sigaw ni Sir. Cha.

Nagkatinginan naman kami ni Nathan tska sabay na natawa.

"Sorry po!" Mabilis na sabi ko.

Inirapan naman ako ni Sir. ... pfftt!!


Natawa naman si Nathan kay Sir.



-------------------

"HAHAHAHHA!!" Tawa namin ni Nathan , kasi natatawa parin kami kay Sir. Cha !! Bading ata!!




"Ayiieeee!!! Himala ata na nagtatawanan kayong dalawa!" Pang aasar ni Tyler.

Inirapan ko naman siya, oo nga no bat parang ang saya ko ngayon ? Dahil lang sa natawa ako sa mukha ni Nathan na naka busangot? Hahahah

"Whuushuu !! May namumuong... ARAY!!" Sigaw ni Tyler. Binatukan lang naman siya ni Nathan.

"Ahhmm , Hazel pwede po bang maka usap ka saglit?!" Tanong ng lalaki na naka salamin. Ayy ! Nandito nga pala kami sa hallway.

Nagkatinginan naman kaming anim, tumango naman sila.

Naglakad naman yung lalaki kaya sumunod ako.

"Alam nyo po bang namamangha ako sa inyo!" Masiglang sabi ng lalaki.

"Ha? Bakit naman ? Takang tanong ko.

"Kasi kahit walang wand kaya mong pumatay!" Nakangising sabi niya. Tumaas naman yung balahibo ko

"Ahh ... Hahahah" pekeng tawa ko.


"Pero ang galing nyo po talaga!" Sabi nya.

Tumawa naman ako.

"Ano nga bayung sasabihin mo?" Tanong ko.

Ngumiti naman siya, ang cute niya mukha siyang anghel !

Umikot siya sa akin hanggang tumigil siya sa likod ko.

"Gusto ko lang naman pong sabihin na ....."

Humarap ako sa kanya...




Pero laking gulat ko nung nakatutok saakin yung wand niya!!

"Katapusan mo na!!" Tuloy niya sa sinabi niya.

Hindi agad ako nakagalaw sa kinakatayuan ko.






"Quo..."nagulat nalang ako nung biglang may sumuntok sa lalaki, kaya agad itong napahiga.





"N-nathan!" Sabi ko.


Agad naman siyang napatingin sa akin.




"Ayos ka lang?! , wala bang masakit sayo?, hindi ka ba nasaktan?! HAZEL!! sumagot ka!!" Sigaw niya.

Nagulat ako sa pag sigaw niya kaya sumagot agad ako.

"O-okay lang ako Nathan!" Gulat na sabi ko.

Agad naman akong niyakap ni Nathan.


Napatingin ako sa lalaking nakahiga ngayon na inaalalayan nila Coraline at Avril.


Tama nga si Kuya.







Not All Angels Are Angels


Napatingin ako kay Zoey at Tyler na nakangisi sa akin .


Kinunutan ko naman sila ng noo.


Natawa naman si Tyler at bigla niyang itinapat yung kamay niya sa dibdib niya at inihugis puso ito!

Napatingin naman ako kay Nathan!


Magkayakap pala kami!!!

Agad naman akong bumitaw at umayos ng tayo.

Napakamot naman si Nathan ng ulo.

"S-sorry" sabi niya , nakita ko na pumula yung tenga niya.

-----------------------------

Birth Stone Academy
Written by: Blue_Baemax

Sorry po kung natagalan sa pag UD
Sana po magustuhan niyo.

Vote and Comment nalang po!~>_<~

XOXO

Birth Stone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon