Nagising nalang ako sa ingay ng paligid."Omy! Hazel gising kana!" Natatarantang sabi ni Zoey.
Napaatras naman ako sa paglapit niya.
Napakunot naman yung noo niya. Sorry Zoey ,pero mas makakabuti ito sayo.
Napayuko siya at umupo nalang sa tabi ni Tyler.
"Ayos kalang ba Hazel?" Tanong saakin ni Avril.
"Medyo masakit lang yung ulo ko" sabi ko sabay upo sa higaan.
"Buti nalang at sinabi ng lalaki kung ano ang magpapagamot sayo" nagaalalang sabi ni Nathan.
Prince
"Dinala ako dito?"
Tumango naman sila.
Paano niya nalaman kung saan ang dorm ko?
"Anong itsura?" Tanong ko.
"Basta lahat ng suot niya kulay blue, pero alam ko dito rin siya at katulad rin natin siya" mahabang sabi ni Coraline.
Confirm... Si Prince nga.
Tumango nalang ako.
Habang naglalakad ako papuntang canteen...
"Ate ! Anong gagawin ko? Kasalanan mo naman ang lahat ng ito eh! ... Sinira mo ang pagkatao ko! " rinig kong sigaw ng babae.
"Wala akong magagawa... Nangyari na ang nangyari" malamig na sabi ng isang babae.
Narinig ko namang humagulgol ng iyak yung isang babae.
Lumapit ako para mas lalo ko pang marinig yung pinaguusapan nila.
Nagiging chismosa na ako dito ah!
"Don't cry, Idiot! " sigaw ng isa pang babae.
Sumilip ako at laking gulat ko ng makita kung sino ang naguusap.
Dumeretso na ako sa canteen at kaagad na bumili ng tubig at pagkain.
Naghanap ako ng lamesa at kaagad na umupo doon.
Kinagat ko yung burger na hawak hawak ko at saka uminom ng tubig.
Naglabas ako ng notebook at ballpen sa bag ko at inilagay ito sa lamesa.
Kaagad kong sinulat lahat ng nalalaman ko.
Nagulat ako nung biglang may naglagay ng pagkain sa harap ko.
Kaagad akong napatingala.
"Zach?"
Ngumiti naman siya at humila ng upuan at umupo.
Napatingin naman siya sa notebook ko.
Kaagad kong kinuha ito sa lamesa at inilagay sa bag ko.
"Para saan yun?" Aniya.
"A-ah wala lang..." Sabi ko.
Kinain ko nalang yung burger na binili ko.
"Bakit ka nga pala nag iisa?" Tanong niya.
"Busy kasi sila eh... At saka may hinahanap ako"
"Hinahanap? Sino?"
"Prince" diretsong sabi ko.
Napatingin naman ako sakanya, at nakita ko yung paglunok niya.
"Bakit mo naman siya hinahanap?" Naiilang tanong niya.
"Magpapasalamat?"
Napatitig naman siya sa akin...
"B-bakit?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Birth Stone Academy
Mystery / ThrillerSya si Hazel Zoe Collins,an ordinary girl with an ordinary life. pero simula ng nilipat sya sa BIRTH STONE ACADEMY nagbago ang lahat.this story is about adventure,fantasy,romance and magic. WELCOME TO BIRTH STONE ACADEMY Inspired by: Tantei High, C...