Chapter 16: Mothman

354 18 2
                                    

Hazel POV:

     Ilang araw na ang nakalipas simula nung nalaman ko yung meaning ng CC.
     Wala na namang masyadong nangyayari itong mga nakaraang araw, tila ordinaryong paaralan lang kung titignan,pero maraming mga sekreto ang nakatago.

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa corridor ng 1st floor. Nakakatakot pala dito sa 1st floor, wala masyadong estudyante at medyo madilim. Nasa 3rd floor kasi yung room namin.

Biglang may dumaan na malakas na hangin sa corridor at nilipad yung mga papel na nakapatong sa mga yakap kong libro.

Agad akong yumuko para kunin yung mga lumipad na papel at iniipit ko na sa libro.

Pagkatayo ko inayos ko yung mga hawak ko.

Tumayo yung mga balahibo ko dahil sa lakas ng hangin. Idineretso ko na ang aking tingin sa corridor , maglalakad na sana ako pero hindi ko na itinuloy.

Siya?!


Siya yung nakita kong lalaking naka cloak na itim at mahaba ang buhok.

Bakit siya nandito?!

Napakurap ako at laking gulat ko nung nasa harap ko na ito.


Agad kong kinuha yung wand ko at itinutok sa kanya.

Biglang nagpatay sindi yung ilaw sa corridor.

Ano bang nangyayari?!

Nakita ko siyang ngumisi sa akin at hinaplos niya yung mata ko na walang eyepatch gamit yung matutulis at mahahaba niyang kuko.

Agad akong napaatras sa ginawa niya.

Mas lalo siyang ngumiti, nang makita ako na natatakot sa ginawa niya.

Nagpatingin tingin siya sa paligid at tila parang may inaamoy. Biglang napakunot yung noo niya.

Bigla niya akong hinawakan sa kamay ko at hinatak .

"Bitawan mo ako!" Sigaw ko , saan niya ba ako dadalhin. Mas lalong humihigpit yung mga hawak niya sa akin.

Bigla siyang napahinto sa paghatak sa akin, pag tingin ko sa dinadaanan namin may apat na hindi ko alam kung anong nilalang sila! Nakakatakot!

Kulay pula ang kanilang mata at tila mabalahibo ang kanilang katawan at may pakpak sila sa likod.

"Psh, Mothman!" Iritadong sabi ng lalaking hawak hawak ako.

Nagulat ako nung biglang pumagaspas yung mga pakpak nila at lumipad sila papunta sa amin.


Agad na humarang si kuyang mahaba yung buhok sa harap ko at hinawakan niya yung magkabilang side ng cloak niya at ibinuka ito.

Biglang may lumabas na asul na liwanag galing sa cloak niya.

Napapikit ako sa sobrang liwanag.

Nang naramdaman ko ng wala ng liwanag agad akong dumilat at nakita ko yung mga mothman ata na nasa sahig na at walang buhay.

Humarap saakin yung lalaki at itinanggal niya yung hood niya sa ulo.

Napansin ko kaagad yung kanyang mukha na parang nagaalala.

"Are you okay?" Sabi niya sabay hawak sa balikat ko, napaatras naman ako.

Napabuntong hininga siya.
Kilala niya ba ako?

"Hazel" mahinang sabi niya.

Bakit parang magkakilala kami?
Bat parang matagal ko na siyang kilala?!

Birth Stone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon