Chapter 32: Revelation

229 12 4
                                    

"Ang cute mo"

Kaagad ko namang naramdaman na uminit yung pisnge ko kaya kaagad akong tumalikod! Pashnea naman tong lalaking to! Pinapakilig ako!

Wait...

Saan ko nakuha yung salitang Pashnea?!

"Argh!" Saad ko sabay iling.

---------

"Hey! Hazel, wake up!"

"Hey!"

Unti unti kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko si Willow sa harap ko.

"Ugh! Bakit?" Antok na tanong ko.

Lumipad naman siya palayo at sinundan ko siya ng tingin.

Nanlaki yung mga mata ko ng nakita kong nakaupo si Prince sa higaan ni Nathan.

"WHAAAAAA!!!!!!"

Kaagad kong kinuha yung kumot at tinaklob sa buong katawan ko.

"B-BAKIT KA ANDITO?!" sigaw ko.

Narinig ko naman siyang tumawa ng bahagya.

"WAG KA NGANG TUMAWA TAWA DIYAN!!" sigaw ko ulit.

"Bwisit! Di pa naman ako nakakapag toothbrush! Ang gulo pa ng buhok ko!" Inis na bulong ko.

Nagulat ako ng biglang may humatak sa kumot.

"Tumayo ka na diyan, ma l-late ka na" sabi niya habang inaayos yung kumot.

Kaagad akong tumayo at tumakbo papuntang banyo.

Nang matapos akong maligo pumunta ako sa may sink at nag toothbrush.

Matapos akong magsipilyo at napatingin sa salamin na nakadikit sa pader.

Napatingin ako sa mga mata ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si  Vander Black sa reflection ng salamin na naka tayo sa likod ko habang nakangisi.

Kaagad akong lumingon ngunit hindi ko siya nakita.

Namamalikmata lang ako.

Kaagad akong nag hilamos para mahismasan.

Habang nakatingin ako sa salamin unti unting bumabalik yung mga nakaraan.

"A-anne... NOOOO!!!"

Ang pagkamatay ni Anne.

"Bakit? Prince?!"

Yung mga araw na nakipag hiwalay saakin si Prince...

"He's Back, Vander Black is back"

"Oh ...My dear Hazel... "

Ang mga unang salitang narinig ko sakanya...

Unti unting humigpit ang hawak ko sa gilid ng lababo.

Unti unting umiinit ang pakiramdam ko.

Nakita kong unti unting tumutulo ang mga pawis ko sa noo.

Vander...

Vander...

Vander...

Third Person Pov

Paulit ulit na pumapasok sa isip ni Hazel ang pangalang Vander...

Hindi niya na namamalayan na unti unting nag kakaroon ng crack ang salamin.

H A Z E L

Kaagad akong napabitaw sa gilid ng lababo ng biglang nahulog ang salamin.

"Hazel! Okay ka lang?" Rinig kong sigaw ni Prince.

Birth Stone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon