Chapter 27: He's Back

295 13 13
                                    


Ilang buwan na ang nakalipas simula ng malaman ko na hindi nga siya ang aking ina.

Pero kahit ganon siya parin ang tinuturing kong ina.

Naglalakad ako ngayon papunta sa dorm ng may naramdaman akong sumusunod saakin. Geez! Gabi pa naman na!

Dahan -dahan akong lumingon , pero wala naman akong nakita.

Itinuloy ko nalang ang aking paglalakad ng biglang naramdaman ko nalang na namatay yung ilaw sa dulo ng hallway.

Kaagad akong lumingon kung tama nga ang hinala ko. Wala na ngang ilaw sa dulo ng hallway!

Halos tumatakbo na ako sa pagmamadali kong mag lakad.

Sunod sunod ng namamatay yung mga ilaw na tila ay hinahabol ako.

Gosh! Nasa first floor palang ako! At wala ng mga estudyante na naglalakad tanging ako nalang!!

Tumakbo na ako at lumiko papunta sa hagdan , dalawa dalawa na ako kung humakbang paakyat.

Halos matumba ako sa gulat nang may nakita akong lalaking nakatayo sa dulo ng hallway!

Hindi ko nalang ito pinansin at tumakbo nalang sa hagdan paakyat sa 3rd floor.

Kanina pa ako takbo ng takbo sa hagdan pero hindi parin ako nakakarating sa 3rd floor!

Shit!

Ano bang nangyayari?!

Napahinto ako nung nakita ko yung malaking pinto sa first floor!

FIRST FLOOR?!!

Tumakbo ako papunta sa malaking pinto.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa...

"At sa tingin mo saan ka pupunta?" Nakangising sabi ng lalaki.

Muntikan na akong matumba buti nalang at napahawak ako.

"S-sino ka?!" Sigaw ko.

Nagulat nalang ako nung biglang may lumabas na itim na usok sa kamay niya hanggang sa wala na akong makita.

"T-tulong! *cough* "

Ang hirap huminga!

*cough*

*cough*

--------------------

Nathan POV:

"Asaan na ba si Hazel?" Inis na sabi ko, ang tagal naman niyang pumunta dito sa dorm?! Gabi na ah!

Ilang beses ko na siyang tinawagan pero walang sumasagot!

D*mn!

Tinawagan ko si Tyler.

"Hello?" Inis na sabi niya.

"Salamat naman at sinagot mo! Asaan ka?" Sabi ko.

"Nakakainis ka naman Nathan eh! Natutulog ako bigla ka nalang tatawag!" Inis na sabi niya.

"Wala pa si Hazel sa dorm!" Inis na sabi ko.

"Ha?! Paanong wala ? Mag aalas dose na ah?!" Gulat na sabi niya.

"Kaya nga eh! Hindi naman tayong pwedeng lumabas! Baka makita nila tayo at maparusahan pa tayo!" Mahabang sabi ko.

"Okay , okay! Gagawa ako ng plano ,tawagan mo si Hunter pati narin sila Carlo at Jack! Wag mo nang ipaalam sa girls!" Sabi niya.

"Wag ipaalam sa girls?! Sa tingin mo papayag yung mga yon?!" Inis na sabi ko.

"Sige na nga! Tawagan mo narin sila! Sa bihin mo sa dorm niyo magkikita kita at siguraduhin mo lang na hindi sila mahuhuli!" Sabi niya at saka pinatay yung tawag.

Birth Stone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon