Chapter 28: VANDER BLACK

274 11 25
                                    


Hazel POV:

(Ito po yung nangyari kay Hazel nung nawala siya)

Nagising ako ng maramdaman kong ang sakit ng lalamunan ko.

Kaagad akong napatingin sa paligid at hindi ko alam kung nasaan ako.

Napatingin ako sa kamay ko. Nakagapos ako!

Paano ako napunta dito?!

Kailangan talaga pag ginapos nakasemento?! Ang sakit kaya.

Sinubukan kong tanggalin pero hindi ko talaga kaya.

Sobrang dilim naman dito.

"Tulong!!!" Sigaw ko pero nag e-echo lang yung boses ko.

Nagulat ako ng biglang may bumukas na pinto at iniluwa nito ang isang babae.

"Oh! Gising kana pala! Handa ka naba?" Kaagad akong napalunok ng marining ko ang kanyang boses. Matatakot ka talaga sa lamig ng pagsasalita niya.

"S-sino ka?" Tapang tapangan na sagot ko.

"Hindi mo na kailangan pang malaman Hazel" halos manayo lahat ng balahibo ko pagkasabi niya ng pangalan ko.

Narining ko naman siyang pumalakpak ng dalawang beses.

Napapikit pikit ako dahil sa silaw ng ilaw pagkabukas.

Saang lugar ito?!

Nada may dulo pala ako ng mahabang lamesa habang nakagapos .

Nagulat ako ng biglang may nagsilabasan na usok galing sa bintana at isa-isa silang naging tao na naka hood na itim.

Umupo sila sa mga natitirang pang upuan.

Kung ako ang tatanungin kung ano itsura na lugar na ito ang masasabi ko lang ay sobrang nakakatakot!

Mga lumang gamit ang mga nandito,at tilang napakarumi ng lugar na ito. Natitiis nila na magtagal sa gantong lugar?

Yung babae kanina ay umupo malapit sa kabilang dulo ng lamesa.

Ang tanging wala lamang nakaupo ay ang katapat kong upuan kung saan ang kabilang dulo ng lamesa.

Halos hindi na ako makagalaw sa mga titig nilang malalagkit.

Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko ng may naramdaman ako matulis na bagay na tumusok sa aking leeg.

"Oh ...My dear Hazel... "

Naramdaman kong nagtayuan ang mga balahibo ko sa aking buong katawan. Mas nakakatakot siyang magsalita kesa sa babae kanina

Nakahinga naman ako ng maayos ng hindi ko na naramdaman yung matulis na bagay na tumusok sa aking leeg.

Nakita ko namang may tumulo na dugo sa aking leeg sa pagkakatusok niya suguro doon.

"Huwag kang mag alala.... Kuko ko palang ang mga iyon Hazel..."

Kuko? Kung ganon pwede na siyang makapatay gamit lamang ang kanyang mga kuko?!

Dahan dahan siyang naglakad ng nakatalikod saakin papunta sa kabilang dulo ng lamesa kaya hindi ko nakita ang kanyang mukha.

Sa kanyang presenya ... Malalaman mo na kaagad na siya si Vander.

Lalo akong kinabahan ng makita ko ang kanyang hitsura pagkaupo niya.

May peklat siya ng hiwa sa kabila niyang mga mata.

Ang manipis at itim niyang labi.

Ang kanyang matatalas na mga mata ang kinakatakutan ko sa lahat.

Birth Stone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon