Our story

287 5 0
                                    

Nakuuuu.. Mag sa-summer na pala.. Hayyss.. Sa wakas! Mag 3-3rd year na ako. Konting tiis nalang.

Naalala ko tuloy yung offer ni Ate Faye sakin.

(Flashback)
"Ashy.. I have a big trust in you, isa pa. Sa lahat nang leader na inaasign ko sa org. natin, tatlo lanv kayung may potential,but then, sa lahat. Ikaw yung pinaka active.. Kaya maisip ko..kung parangalan ka.. I know how much you love being in a medical world.. Kaya nga nang e-offer ni Doc.Takashi na dun kayu mag paparttime.. Nakita kong ang sayasaya mo.. I know, kontento ka naman sa pagtulong dun,peru mas maganda yung licensed ka.."–mahabang sabi ni Ate faye.

"Ano pong ibig niyong sabihin?"–nagugulohan kong tanong.

"Well.. Dahil sa dagdag na schoolarship ni Doc.Takashi, may free studies in Health Care, tesda yung.. NCII.. mag NCIII din naman.. Peru sabi ni Doc.Takashi, di mo daw kailangan,kasi nag aaral ka naman.. Kaya pinapunta kita dito,kasi itatanong ko personally, kung tatanggapin mo.. Oo naman.. Di ka magiging isang ganap na doctor. Peru sa ospital karin naman pwedeng makapagtrabaho. Makakapagsuot karin na katulad nang mga nurse.. Kaya itatanong ko,kung gusto mo ba?  Kasi... Sayang ehh.."–sabi niya.

Nagliwanag naman yung mukha ko sa narinig ko..

"Talaga?"–peru.. Nalungkot ako bigla.."peru.. Mag 3-3rd year na kasi ako ate eh. Sayang naman kung di ko pa ipagpapatuloy.."–napabuntong hininga ako.

"Ashy,1 sem lang naman. Isacrifice mo.. Sayang ehh"–sabi niya.

"1sem? Talaga?"–bigla akong nabuhayan.

Tumango siya..

"Hmmmm... Pag iisipan ko muna,te."–sabi ko.

"Sige.. Pag isipan mong maigi."–nakangiting sabi ni Ate.

"Opo"

(End of flashback)

"Iniisip mo yung offer?"–tanong ni Viosh sa tabi ko.

Andito si Viosh sa tabi ko, sunday kasi kaya walang work..
At saka nasa bahay kami ngayun..

Ngayun kasi yung araw na pupunta kami sa lola niya..

Kaya nasa kusina ako,at nagluluto nong paborito ni Lola na relienong Bangus.

"Oo ehh.. Tatanggapin ko ba?"–tanong ko.. Knowing, mapapayuhan niya ako.

"1sem lang naman daw yung isasacrifice mo. Why dont you grab it?"–nakatingin lang ako sa kanya."its an opportunity, ikaw na nga nagsabi sakin noon diba? Nong inioffer sakin ang Pag aaral nang Free sa isang medical school, sabi mo,grab the chance .kahit na alam mong, ayokong iwan ka non sa ospital."–bigla siyang nalungkot.

Ngunitian ko lang siya.. Saka hinawakan ang kamay niya.
"Ano kaba.. Wag ka nang malungkot.. Magkasama na naman tayu uli ngayun,diba? Saka? Kung di ka naging doctor.. Di mo ko naalagaan non. Saka.. Pangarap mo yun.."–sabi ko..

Malungkot parin yung mukha niya. "Pangarap nating dalawa."–pagtatama niya.

Naguguluhan ba kayu?

Ganito kasi yun,

Yung highschool kami,hanggang 2nd year highschool kaming naging magkaklase, kaya lang bago magpasko, nalaman naming may Leukimia ako..
Kailangan kong magpagaling non. Kaya tumigil ako sa pag aaral.
Buti nalang talaga't di pa malala, kaya nalunasan.. Nalubog pa kami sa utang non, mapagaling lang ako.

Katunayan niyan, mula palang grade 3 classmate kona si Viosh. Transferee kasi siya sa school namin, unang beses ko siyang nakita,masungit na siya. Kaya lang nang magtagal ko siyang kinukulit ay naging friends na kami..

Hanggang nag 2ndyear..

Matapos ang dalawang taon, naging salutaturian si Viosh sa school namin, sayang nga ehh, di kami magkasabay na gumraduate.. Masakitin kasi ako eh kainis.

Nong graduation niya, imbis na ako yung pumunta sa kanya para e-congratulate siya.  Siya pa yung pumunta sa ospital, kasi di pa ako pwedeng lumabas.. Kainis nga eh! Di ko man lang siya nakasamang mag celebrate..

Peru okay lang kasi, nong araw na yun may ibinalita siya, na para sakin nakakalungkot, peru masaya parin ako para sa kanya.

Nakakalungkot dahil maiiwan ako,peru masaya ako para sa kanya kasi matutulad niya na ang pangarap niya.

Ang pangarap naming dalawa, para maging isang doctor.

Matapos kong magpagaling bumalik ako sa pag aaral ..

Nag Aral ako sa Alternative learning Services ba yun? Nakalimutan kona eh. Basta! (ALS) yun dun ako gumraduate sa highschool kaya ngayun, college na ako.

Habang nag aaral ako Als, si Viosh naman gragraduate na siguro, di ko na siya nababalitaan kasi simula nong tinanggap niya yun nalayu siya sakin, malayu kasi yung state college nayun..

Buti nalang talaga magkasama na kami uli .. Masaya nga ako eh..

Nagpapasalamat ako sa kanya kasi habang nasa ospital pa ako, at siya naman nasa highschool pa, di niya ako pinabayaan. Lagi niya akong sinasamahan. Kasama ang mga mama ko. Noon pa lang lagi na siyang nandyan..

"Mariz, diba? Gusto mo ring maging doctor?"–tanong niya sakin."yun yung sinabi mo sakin noon, dapat nga di tayu magkasamang gumraduate,tanggapin mona..para kahit papano matupad mona pangarap mo, di nga lang doctor,peru sa ospital parin naman eh."–nakangiti niyang sabi.

"Hmmm... Okey lang maging assistant mo ko eh."–sabi ko.

"Magiging nurse ka."–sabi niya.

"Pag iisipan ko pa."–sabi ko.

"Nuhbahyan.. Hanggang ngayun talaga, ang tigas nang ulo mo.. 1sem lang yan, at kung nanghihinayang ka kasi mapang iiwanan ka nang mga ka batch mo. Pwede mo namang eloaded at magsummer ka para makabatch mo parin sila diba. 1sem lang ehh."–paliwanag niya.

Ngumiti ako sa kanya nang subrang lapad,saka ko siya niyakap."ikaw talaga Viosh ah. Ang genius mo talaga"–sabi ko habang yakap parin siya.

Niyakap niya rin ako."Genius ka rin noh, ikaw dapat yung Valedic. non,kung di ka lang pabaya sa sarili eh.tsk!"–panggagatong niya.

"Eeeiiiyyy.. Okey narin naman ako ah."–napakalas ako sa kanya at tiningnan siya..habang nakapout.

"Wag ka ngang ganyan."–kunot-noong sabi niya.

Napakunot din tuloy ang noo ko sa kagulohan niya."bakit? Anong problema?"–nakapout ko paring sabi.

Natigilan nalang ako.

Sa ganito–> ^3^ –> OoO
Naging ganito–> >_<

Tinapik ko yung dibdib niya,
Nag'init tuloy yung mukha ko.
Pakiramdam ko, sasabog na ako..
"A-Ano y-yun?!?"–di ako makatingin nang diritso sa kanya.

"Ikaw kasi...pout ka nang pout.."– I also saw him blushed.

"Magnanakaw."–saka ko siya inirapan at tinalikoran at naglakad...

"Oyyyy.. Sorry.. Mariz.. Mariz...sorry na.."–nakasunod lang siya sakin.

LoveMe(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon