PAGPILI (SPOKEN POETRY)
Sa dinami rami ng aking nakikita at nakasasalamuha,
Akin lamang ipinagtataka kung bakit ikaw pa?
Kung bakit sayo ko pa naramdaman itong pagmamahal na hindi ko dapat nadarama.
Marami namang naglipana na iba diyan
Yung tipong aaminin talaga sayo yung nararamdaman nila.
Nakakabilib na lagi nalang ganito,
Mas nahuhulog tayo sa tao na hindi naman tayo gusto.
At umaasang baka nga sa susunod na mga araw ay mapansin na niya,
Na may nararamdaman ka pala para sakanya.
Minsan naiisip ko bakit nga ba palagi nalang ako nagmamahal sa maling tao
Sa taong may nagmamay-ari na ng kanyang puso
Pangalawang beses ng nangyari ito pero di parin ba mababago?
Hanggang kailan ba ako tatanggi sa isang taong nagtapat ng pagmamahal sakin na nung una'y akala kong biro?
Hanggang kailan ko ba titiisin ang pilit na pinapatahimik na sakit?
Hanggang kailan ko ba sasabihin sa sarili na "Tama na, masasaktan ka lang! Maawa ka naman sa iyong sarili"
Ayokong bigyan siya ng kasiyahan ng loob na mula sa kasinungalingan
At sabihing, "Oo, may pag-asa ka maghintay ka lamang"
Ayokong paasahin siya sa isang masarap ngunit hindi totoong salita
Na labas sa aking puso pati na rin sa kaluluwa
Paano ko ipipilit ang isang bagay na hindi ko naman kaya?
Gustuhin ko mang matutunan pero hindi ko kayang pag-aralan!
Hindi ko kayang saktan ang puso mong nagmamahal lang naman
Ngunit alam kong akin na itong nagagawa
Patawad sa iyo dahil hindi ko manlang masuklian
Subalit kung tayo'y iaadya ng tadhana,
Sana ay wag mo akong pakawalan.
Ngunit sa ngayon ay hindi ko pa talaga kaya.
Hahayaan muna ang sarili na mahalin ko ng patago ang aking tunay na sinisinta.
Hahayaan ko munang mapagod ang pusong may iniinda.
At hahayaan kong maghilom ang sakit na ang dahilan ay siya.
Kaya sana maintindihan mo ang aking desisyon,
Ang desisyon na piliin kang saktan ng panandalian,
Kaysa paasahin ka sa maling katotohanan na sasaktan ka naman ng pangmatagalan.
Dahil hindi ko kakayanin na may makita pang ibang masaktan
Sa sitwasyon na ni minsa'y di ko naisip sa hilagap na ako'y mapapabilang
"Mahal ko o mahal ako?" Isang liriko ng kanta na may kirot sa puso kung maitatanong sayo
Anong bang mas pipiliin mo?
Ang taong sasaya sa iyo o taong magpapasaya sayo?
Anong mang desisyon ay siguradong may masasaktan,
Kung kaya't minsan ay naiisip ko na isarado nalang ang puso ko at wag na lamang magmahal.