ILANG MINUTO
Alas onse dyis na pala ng gabi
Isang minuto bago ang oras ng paghiling
Narito ako't pilit na tinititigan ang blankong kwadernong pananahanan ng tulang isusulat kong muli
Isang minuto nalang at papatak nanaman ang oras kung saan nagiging tila pag-agos ang aking mga hilingIsang minuto... Dalawang minuto...
Subalit ang blankong papel ay hindi parin napupuno
Ilang minuto na ang lumipas subalit nasaan na ang mga salitang katuwang ko sana sa mga oras na ito?
Malinis parin ang ilang mga pahina na permanenteng titirhan sana ng mga tinta ng aking plumaIlang minuto na ba ang lumipas?
Limang minuto na pala ang nagdaan
Limang letra na pag-aalayan ko sana ng mga salitang uubos sa espasyo ng isang kapirasong papel na walang kalaman laman
Mahal. Isang salita na may limang titik na madalas kong masilayan sa mga sulok ng bawat pahinaIba ibang salita man ang gamitin ko,
Alam kong ang limang letrang salita paring ito ang nanaisin kong maging panakip sa pangalan mo
Sa wakas, unti unting nagparamdam ang tila kalmadong ahon ng damdamin sa aking isip
Isang pagkalma't pananahimik na hindi nanaisin ng kahit na sinong may gustong iparatingIlang minuto na ba ang lumipas?
Sa sobrang katahimikan ay tila masakit na pagkakabingi ang aking naranasan
Sa sobrang kalma ay hindi ko na alam kung ano ba ang dahilan ng aking pulsong nagwawala
At sa sobrang tagal ay hindi ko na alam kung ano pa ba ang aking hinihintayIlang minuto na ba ang lumipas?
Marahil ay nagtatampo ang mga salitang nais kumawala noong mga panahong ginusto ko ng sumuko at ikulong sila dito sa aking magulong mundo
Sinubukan ko. Sinubukan kong ikulong ang mga ito sa isang tanikala na kahit sino'y walang makapagpapalaya
Sinubukan kong ihagis ang susi ng pagtuklas sa isang kalmadong dagat na magpapalubog sa pagkakataong sila'y makakalaya't makakalabasIlang minuto na ba ang lumipas?
Maraming nagtangka ngunit ni isa ay walang nagtagumpay na suungin ang kalmadong alon
Alam ko...
Alam kong hindi nila makukuha sapagkat ang susing kanilang sinisisid ay nakuha na ng ibaIlang minuto na ba ang lumipas?
Anim na minuto?
Anim na minutong paghihintay sa mga salitang hanggang ngayon ay hindi ko mawari kung nasaan na ba
Anim na minutong paghihintay sa taong siyang magdadala ng susing kusang lumapit sakanyaAnim na minuto na pala ang lumipas...
Anim na minuto na pala ang nagdaan subalit ang blankong papel na nais kong punuuin ay tila isang disyerto parin sa pagkaubos at pagkatuyot
Hinihintay pa rin kita.
Bakit ang tagal mong dumating gayong iaabot mo lang naman sakin ang isang bagay na kusa naman sayong lumapit?Bakit wala ka pa kung anim na buwan na pala ang lumipas simula noong mapasakamay mo ang susi na pilit sinusuong ng iba?
Nasaan ka na ba?
Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Anim.
Anim na buwan na ang lumipas ngunit bakit tila yata naliligaw ka pa rin?Ewan ko ba kung bakit hinihintay parin kita
Espesyal na numero ang anim sapagkat anim na buwan at minuto na pala ang lumipas simula nang ang puso ko sayo'y kusang lumapit
Sa bawat salita na bubuo sa blankong papel at uubos sa tinta ng aking panulat ay iyong masisilayan ang ngalan ng taong may hawak ng dahilan ng pagkabukas
Anim na letrang magbibigay katauhan sa naging dahilan ng bawat pagkaubos, pananahimik, pagkalma at pagkatuyot ng isang paraisong tago sa loob ng puso koAnim na letrang may hawak ng buong pagkatao ko
Anim na letrang naging dahilan ng lahat ng pagkatalo
Mahal, ilang minuto na ba ang lumipas?
Ilang buwan na ang nagdaan ngunit bakit wala ka pa rin para ibalik sa akin ang nag iisang bagay na kusa namang napunta sayo?