KAYA KO
Sinasabi ko lagi sa aking sarili na kung gusto ko, magagawa ko
Na kapag ninais ko, makukuha ko
At kung hahangarin ko, makakamit ko
Pero noong araw na ginusto ko ang tulad mo, lahat ng ito ay biglang nabagoKakayanin ko ba ang pagkamit sa isang pangarap na sa panaginip ko lang madalas malasap?
Maaabot ko kaya ang tila walang hanggang pagbibilang ng mga numerong wala namang katapusan?
Mararating kaya natin ang sinasabi nilang walang hanggan kung wala pa naman tayong nasisimulan?
Oo, "tayo" nanaman... Isang pangarap na hindi madaling makamtan kahit pa sobra na itong paghirapanNapakarami kong plano sa simpleng buhay ko
Gusto kong maging manunulat, guro at pati narin maging abogado
Ang tataas... Napakatataas ng mga gusto kong marating
Pero nakakatakot dahil sabi nila, hindi lahat ng ating gusto ay siyang ating makakamitNapapaisip nalang ako kung bakit ba ganito nalang lagi ang takbo ng buhay ko
Halos lahat nalang ng nais ko sa buhay ay hindi ko maabot kahit pa alam ko naman sa sarili ko ang ibig sabihin ng salitang kuntento
Tulad niya na halos pantayan na ang mga bituin sa sobrang taas at layo
Ngunit dito na siguro matatapos ang ilang buwang sakit ng pagtatagoMula ngayon, kung gugustuhin ko ay alam kong makakamit ko
Kahit pa alam kong imposible, ay siguradong kakayanin ko
Wala na akong pakialam kahit pa ilang pagsubok pa ang harapin ko
Basta alam kong sa huli, magiging sulit ang lahat ng luha at hirap na dadanasin ko patungo sayo