Entry 24

159 12 1
                                    

PABIRONG MAHAL KITA

May kakatuwa akong napagtanto habang nagmumuni muni akong mag isa.
Kailan ko lamang naisip na kung sino ang madalas na pabiro kong
ipinapareha ay nagkakagustuhan na.
Mayroon na ba akong kakaibang kapangyarihan?
Hindi lang isang beses nangyari sapagkat ang una ay nasundan pa.
Nakakatuwa dahil ang biro ko sakanila nung una ay naging totohanan na.
Buti pa sakanila naging totoo,
Samantalang ang para sa akin kaya? Kailan naman mabubuo?
Kailangan ko pa bang biruin ka at ang sarili ko para naman ang salitang "tayo" ay maging totoo?
Iniisip ko nga, ano ba ang pakiramdam na magustuhan ng taong mahal mo?
Sabi kasi ng iba masarap daw ang pakiramdam pag naging kayo
Ano ba kasing klaseng saya?
Yung tipong parang nanalo ka sa lotto kahit isang beses ka palang tumaya?
Aba napakaswerte naman kung ganun at tunay nga namang pinagpala.
Kahit saan ako lumingon marami akong nakikita na masaya sa mga kasama nila
Nararamdaman din kaya nila yung kilig at saya na sinasabi ng iba?
O baka naman yun lamang ang kanilang ipinapakita para masabi na sila ay maligaya.
Para lamang maipamukha sa aming mga umaasa na wala na talaga kaming pag-asa
Sa panahon ngayon, mahirap na kasing makita kung ano ang totoo.
Yung parang pagpaparamdam niya sayo na espesyal para sakanya ang tulad mo,
Subalit ang totoo ay hanggang magkaibigan lamang pala talaga kayo
Mahirap ng kilatisin kung ano ba talaga ang tunay sa hindi
Dahil minsan sinasabi nilang mahal nila ang isa't isa pero ang totoo naman ay hindi
Ganoon na ba talaga ang pagmamahal sa panahon ngayon?
Na dati rating ang sagradong salita na "mahal kita" ay ginagawa na nilang biro
"Mahal kita pero sana 'wag nating seryosohin to"
Ganoon nalang ba yun?
Ano na bang nangyayari sa henerasyon natin ngayon?
Bakit ba kailangan pang paglaruan ang salitang mahal kita gayong maaari namang gamitin sa tama at naaayon?
Ano ba kasi ang pakiramdam na masabihan ng mahal kita na nagmula sa taong gusto mo?
Para naman alam ko kung saan ako magsisimula sa pagsulat ng aking panibagong mga berso.
Palagi nalang kasing puro sakit ang naiidulot nitong pagmamahal sa isang tulad ko
Hindi ba kasi ako kagusto gusto? O baka naman sadyang malas lang ako pagdating sa mga ganito?
Napakarami ko ng naisusulat pero nasaan na ba ang hinihintay ko?
Darating pa kaya siya para ituro saakin ang maraming mga paano?
Paano ba sumaya?
Paano ba kiligin na tipong mapapahampas ka sa iyong kasama?
Paano ba? Mahal, paano ba?
Sa dinami rami ng taong nagkakagustuhan
Isa ba ako sa mga minalas na mapag iwanan?
Alam ko naman na maraming magsasabi na "Hija, masyadong pang maaga para diyan"
Pero huwag kayong mag alala dahil kaya ko namang maghintay ng tamang oras para sa ganiyan.
Kaya ko namang maghintay kahit pa gaano katagal,
Basta sa bandang huli ng aking lalakaran,
May isang lalaking nakatayo at masaya akong inaabangan.
Isang lalaki na sasamahan akong magkwento at patuloy na sumulat.
Isang lalaki na alam kong minamahal ako at magiintay sa akin kahit gaano pa katagal yan.

Unspoken MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon