BLANGKONG AKLAT NG MISTERYO
Bakit ba ang hirap mong basahin?
Para kang isang libro na nakasulat sa lengwaheng hindi ko alam kung paano isasalin
Para kang isang kalituhan na buong puso ko mang hanapin ang daan palabas ay tila itinuturo ako sa isang maling daanan
Para kang isang palaisipan na kahit anong pilit kong sagutin ay isang markang mali parin ang nagiging resultaBakit ba ang hirap mong intindihin?
Alam mo bang mas mahirap ka pang intindihin kesa sa isang asignaturang kahit kailan ay hindi ko nanaising mahalin?
Bakit ba ang hirap mong kausapin?
Para akong nauubusan ng boses at salita sa tuwing nanaisin kong lumapitBakit ba ganito nalang ang epekto mo sakin?
Kahit na hirap na hirap akong abutin ang distansyang layo mo sakin ay hindi ko parin mapigil ang aking sarili
Bakit ba hindi ko parin matutunan ang ibig sabihin ng salitang "pagtigil"?
Bakit ba patuloy parin ako sa pagbasa ng bawat pahina ng istoryang tila isang misteryong ako lang ang makakaalam ng kasagutan?Alam mo ba na para kang isang misteryosong libro na pilit kong iniintindi kasama ng mga nakatagong mensahe na naroon?
Na sa bawat lipat ko ng pahina ay tila isang blankong papel ang lumalabas na kakailanganin pa ng mahika para mapalabas ang mga sulat
Maaaring para sa isang kakaibang aklat na gaya mo ay isa lang ako sa mga nagtatangkang buksan ang bahagi ng kabanata na pilit mong itinatago
Ngunit para sa isang kabanatang gaya ko, ikaw ang buong libro na nanaiisin kong panahanan kahit pa isang misteryo para sakin kung ano ba talaga ang nakasulat sa iyo