Entry 18

195 16 0
                                    

MAAARI BA?   

Maaari mo ba sa aking sabihin kung      kailan nagsimula?

Maaari ko bang malaman kung paanong ang lahat ng ito ay iyong nasilayan?
Maaari mo bang ilahad saakin ang iyong naramdaman?
Maaari mo bang sabihin kung bakit kaya lahat ng tula ko na tungkol sayo ay puro sakit at hindi saya?
Maaari ba?
Wala akong kamalay malay na ang inakala kong hindi mo malalaman, ay nalaman mo na
Patawad... Patawad sa iyo sinta
Pasensya ka na dahil pilit ko namang pinigilan
Hindi ko naman to ginusto at hindi ko rin naman sinadya
Kaya sana patawarin mo ako kung hinayaan ko ang sarili na mahulog sayo
Wala akong kamalay malay na unti unti na pala akong nakukulong sa iyong mala paraisong tanikala
Wala akong kamalay malay... Wala aking sinta
Ni hindi sumagi sa isip ko na darating sa punto na malalaman mo
Tunay ngang nakakabigla dahil hindi ko inakala na ang isang tulad mo ay mag aaksakya ng oras at pagod para mabasa ang mga mumunting tula na ginawa ko para sayo
Patawad. Gusto kong humingi ng paumanhin sapagkat sumusulat nanaman akong muli para sayo
Patawad. Patawad dahil hindi ko naman ginustong mahulog sayo
Patawad,  kung madalas ay naguguluhan ka sa mga ikinikilos ko
At patawad sinta kung hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi masaktan habang sinusulat ko lahat ng ito
Dapat ba kong matuwa? Magsisinungaling naman ako kung sasabihin kong hindi
Aaminin ko mahal, ako'y nagalak ng nalaman ko na iyo na pala itong nababasa
Ngunit sa kabila ng galak ay tila napapangunahan parin ako ng pangamba
Mahal, paulit ulit akong hihingi ng tawad sa iyo sapagkat wala akong lakas ng loob para sabihin lahat lahat sayo ang aking nadarama
Paumanhin kung idinaraan ko lang madalas sa mga sulatin ang lahat ng nararamdaman ko para sayo sinta
At sana patawarin mo ako kung mas pinili ko itong itago kaysa sabihin sayo ang lahat ng nararamdaman ko
Marahil ay alam mo na
Pero ano naman bang magbabago hindi ba?
Sabihin mo nga sakin, wala naman diba?
Wala namang mababago sa katotohonanan na lahat ng nasa imahinasyon ko ay mananahan nalang sa aking isipan
Kahit pa mabasa mo na, mapagnilayan mo na, pupusta ako na hanggang sa huli ay wala talaga
Mabuti nalang at nakayanan kong pigilan ang sarili ko at ibaling ang lahat ng sakit sa bawat tulang isinusulat ko
Siguro nga'y mga tula na ang maituturing kong saksi sa bawat ngiti at luha na ibinubuhos ko sa lahat ng lipong ito na para sayo
Ang bawat papel at panulat na siyang masugid kong tagapakinig sa lahat ng kwento at pantasya ko ay siya na lamang natitira sa aking piling upang umintindi
Sa bawat piling salita na kahit anong pilit kong itago ang ibig sabihin,
Ay lumalabas parin ang katotohanan sa bandang huli
Maraming pagkakataon ko ng sinasabi sa sarili ko na "Ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo"
Kagaya na lamang ng katagang ito sa isang tulang hinahangaan ko na isinulat ni Juan Miguel Severo
Masakit na masarap sumulat lalo na kung para ito sa taong patuloy na minamahal mo
Nakakagulat talaga. Ni hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman
Minsan talaga sumasagi na sa isip ko na tama pa ba na ipagpatuloy ko ito?
Kung gayong sa simula palang ay alam kong talo na ako?
Maaari ba na kahit ngayon lang maranasan ko naman ang sumaya at hindi masaktan?
Nakakasawa na kasi yung palagi kong nararanasan imbis na paminsan minsan
Sana nga ganoon na lamang kadali ang lahat
Sana ganoon na lamang kasimple ang mga bagay
Sana hindi nalang naging komplikado
Sana hindi nalang kita ginusto...
Sana sa simula palang itinigil ko na to
Mahal, sabihin mo nga kung hanggang "sana" nalang ba talaga to?
Kung may isang bagay ako na hindi pinagsisihan sa buong buhay ko
Yun ay ang tahakin ang daan kung saan ang dulo nito ay patungo sayo
Dahil sa kabila man ng lahat ng balakid at hirap na dinanas ko
Alam kong sa huli ay maabot ko ang aking pinal na destinasyon
Malapit na naman siguro ako noh?
Maaari bang salubungin mo naman ako dahil matagumpay kong natahak ang daan patungo sa puso mo
Oo narating ko na, pero hindi ibig sabihin na abot kamay ko
Hindi ibig sabihin na ayos na
Dahil sa tingin ko ay iba ang narating ko
At ito ay daan na dadalhin ako sa kung saan man papalayo sayo
Pero kahit saan man ako makarating,
Maaari ba na tandaan mo na walang magbabago?
Mahal kita kahit pa hanggang kaibigan  lang pinakamalayong mararating ko sa buhay mo

Unspoken MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon