Entry 28

121 14 2
                                    

TEATRO NG BUHAY

"Santisima! Kulang pa ng emosyon! Hindi ko maramdaman!"
"Pasensya na ho Direk. Aayusin ko na po at ulitin nalang natin sa simula"
"Siguraduhin mo lang kundi hahanap na ko ng kapalit mo!"
"O-opo Direk pasenya na po talaga kayo"

Sa bawat ikot ng lente ng kamera makikita ang bawat sulok ng isang mala perpektong paggalaw ng tauhang nagsasabuhay ng isang hindi makatotohanang senaryo o realidad.
Isang palabas na kung saan may direktor na siyang gagabay upang magawa mo ang lahat ng ayon at tama.
Maraming mga tutulong upang makamit ang estado na minimithi ng lahat.
May mga palamuti at iba't ibang kolorete upang maging makatotohanan ang bawat palabas.

Ngunit sa totoong mundo ay walang ibang direktor na magpapatakbo ng buhay mo.
Ikaw mismo ang kokontrol sa bawat direksyon, galaw, emosyon at damdaming pakakawalan mo.
Ikaw, ako, lahat tayo ang bida sa sariling palabas na tayo mismo ang bumubuo.
Walang ibang lente na magmamasid kundi ang mga tao sa paligid mo.

Ang buhay ay isang malaking entablado na kung saan makikita ang isang palabas ng realidad na binubuo ng bawat tao.
Iba ibang karakter at iba ibang katauhan na walang bahid ng pagkakapareho.
Isa itong palabas na walang magtatama ng bawat maling salita na iyong mapapakawala.
Isang teatro kung saan walang puwang ang salitang "pagkukubli" at lahat ng musika ng saya, lungkot at trahedya ay magkakasama sa isang likha.

Sa teatro ng buhay ay wala kang pagkakataong kabisaduhin ang mga linya.
Hindi ka mabibigyan ng dagdag na oras upang patuloy pang magsanay at magkabisa.
Ikaw mismo ang siyang gaganap at magbibigay buhay sa karakter na ninais mong isabuhay.
Nanaisin mo bang maging bida sa istorya na kung saan mahusay at maganda ang pagkakasulat? O maging isang pangsuportang karakter sa istoryang sa simula palang ay hindi mo naman ninais na bigyang halaga?

Unspoken MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon