KATAPUSAN
Sabi nga nila, lahat ay nagtatapos at walang pangmatagalan
Ang inaakala nating madalas na walang katapusan ay hindi pala totoo sapagkat dumadating tayo sa punto ng hangganan
Kaya ngayon na narating ko na ang sinasabi nilang katapusan,
Unti unti ko nang kakalimutan ang mga masasakit na mga alaala noon kasama kaMasaya ako sa lahat ng pagkakataon na nakilala kita
Wala akong pinagsisisihan dahil sa mga panahong iyon ay ikaw ang pinanghugutan ko ng bawat inspirasyon at pag-asa
Walang panghihinayang sa aking puso dahil alam kong pareho tayong masaya, at patuloy pang magiging maligaya
Huwag kang mag-alala dahil tapos na... Tapos na ang bawat segundo, minuto, oras at buwan na tinagal ng aking pagmamahal sa iyo na aking sinintaHuwag kang mag-alala dahil nakarating ako ng ligtas sa paraisong hindi ikaw ang kasama
Nandito na ko sa lugar na kung saan ako lang tao at ninamnam ang ganda ng paligid kahit pa ako lang ay nag iisa
Napakaganda ng paligid at napakagaan sa pakiramdam na maabot ang lugar na ito na hindi na ikaw ang aking aasahan na maabutan
At dahil narating ko na ang paraisong ito, oras na upang hintayin ang siyang aking magiging kasama sa patuloy na paglalakbay kong itoSasabay lang ako sa agos ng buhay at nanamnamin ang ganda ng paligid at pagmamahal sa aking pag-iisa
Gumising, gigising, at patuloy akong gigising sa bawat umaga na wala na sa aking isipan ang lahat ng masasakit na alaala
Kaya naman para sa taong pinag alayan ko ng ilang libong salitang puno ng talinhaga, pagmamahal at pag-asa,
Nais kong malaman mo na ito na ang aking huling katha dahil sarado na ang pahina ng libro na naglalaman ng ating kabanata
