PALAGIANG SENARYO
Nandito ka nanaman sa isip ko
Alam mo ba na ikaw ang unang naiisip ko sa pag gising at ang hinihiling kong panaginip sa pagsapit ng gabi?
Hindi ka nanaman mawala sa puso ko
Na kahit anong pilit kong ikubli ang nararamdaman ko para sayo,
Alam kong imposible na siguro talaga sapagkat hulog na hulog na koYung maaliwalas mong ngiti na laging nagpapasaya sa bawat araw ko,
Yung magandang boses mo na hinding hindi ko pagsasawaan na ulit ulitin sa isip ko,
Yung bawat kilos mo na nakakatuwang pagmasdan ng minu-minuto
At yung mga mata mo na gustong gusto kong tinititigan bawat segundo ay siyang mga bagay na kumukumpleto ng bawat araw koAng sarap sa pakiramdam na lagi kitang nakikita
Yung kahit na nasa malayo ka, ikaw parin yung hinahanap ng aking mga mata
Mahirap magtago ng nararamdaman lalo na kung ikaw na ang aking kaharap
Sobrang nakakakaba na halos gusto ng lumabas ng puso ko kapag nandiyan kaMahirap pala talaga lalo na kung laging ganito nalang sa bawat araw
Ngingiti ako sa harap mo kahit na ang totoo ay sumisigaw na ng salitang mahal kita ang isip ko
Madaling itago ang sakit subalit ang mga mata ko na madalas ang nagsasabi kung hanggang saan at kailan ko pa kaya kakayanin
Oo mahal kita, pero kahit na kailan ay wala akong balak sayong sabihinMasaya naman ako na kahit ganito ang nararamdaman ko ay napakaswerte ko dahil kasama ko ang tulad mo
Gaano man ako mapatawa ng iba, wala nang mas makakapantay pa sa saya na idinudulot mo
Hindi man ako nagsasalita sa harap mo pero mahal, masaya ako kahit pa malayo ang distansya mo
At kahit pa ilang minuto o oras man ng katahimikan ang gugulin ko kasama mo, ayos lang basta't ikaw ang nasa tabi ko
Oo, mahal... Yan ang epekto mo na halos mabaliw ako sa kakaisip kung paano ko ba papatigilin ang puso ko sa pagtibok nito para sayo