Entry 46

138 12 0
                                    

WALANG PAMAGAT

Mahal, pinilit kong pigilan
Pinilit kong lumayo sa bangin ng aking sariling kalooban
Na tila ang aking pagkahulog sayo ay isang kasalanan
Mahal, pinilit kong lumayo subalit bakit tila mas hinihigit mo ako papalapit sayo?

Kinaya kong intindihin ka
Kahit pa tila isa kang libro na walang laman ang pahina at pamagat
Pilit kong sasalagin ang lahat ng sakit,
Kahit mahirap ay kakayanin ko kahit pa ikaw ang dahilan ng aking pusong sawi

Masaya ako para sayo mahal ko
Masaya ako kahit pa ang dahilan ng lahat ng kurbang pag ngiti sa labi mo ay hindi ako
Mahal, alam kong kaya ko
Kakayanin kong isalba ang sarili ko sa mala impyernong sakit na dinudulot mo

Kahit pa masakit para sakin na ngumiti kapag nariyan ka,
Kinakaya ko sapagkat para sayo lamang ngumingiti ang aking puso at mga mata
Kahit pa mahirap na magpanggap na ako'y hindi nasasaktan,
Tinitiis ko sapagkat ikaw ang dahilan ng bawat ligaya kahit pa ang bawat sakit ay dulot ng iyong saya kasama siya

Unspoken MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon