"I heard the news," napasulyap si Siance sa akin. "You agreed to work sa kompanya ni Tita Aida." Guess words travel fast pagdating sa pamilya naming dalawa. I am certain na alam rin nila Tita Zie ang balitang ito.
Ininom ko ang ice coffee ko bago magsalita. Nasa cafe shop kami nila Tita Zie ngayon. Pagkatapos ng paguusap namin ni Dad kanina, tumawag si Siance sa'kin na tumitili. Sobrang sumakit ang tainga ko ng marinig ko ang tili niya. Kaya binaba ko ang tawag, tsaka tinext na lang siya.
Heto naman si Siance, kahit nagtetext na kami pakiramdam ko naririnig ko parin ang mga tili niya. Sinabihan niya akong magkita kaming dalawa. I didn't want to refuse her dahil ilang araw rin kaming 'di nagsama. Bukod dun may kailangan ako kay Siance.
"You heard it right," tinanggal ko ang takip ng baso at kumuha ng isang ice para kainin.
"Sabi na nga bang walang makakatame sa isang tarantado na katulad mo e!" may double meaning niyang sinabi.
Kumunot-noo ako habang kinakain ang ice. "Makatarantado ka, Orangutan, akala mo naman 'di ka rin tarantado 'no?" panunukso ko sa kanya.
"Hindi ako Orangutan 'no!" nagflip hair siya. "Sa ganda kong 'to iuuri mo ako sa mga orangutan? Ha! Mahiya ka naman, Donkey-Face!" panglait niya pabalik sa akin. Gusto ko lang matawa sa pinagsasabi niya promise.
Ngumisi ako. "Don't worry, nahihiya naman talaga ako sayo e," I paused to eat another ice.
"Dapat lang!" she proudly huffed.
"Nakalimutan kong hindi ka pala tarantado, tarantada ka pala," I grinned at her. Napanganga si Siance sa sinabi ko't handa ng ibato yung tray niya kaso pinigilan ko siya. "Oops! Don't forget, ikaw ang nagumpisa nito. Huwag kang asar talo," I reminded her.
Gigil na gigil akong tinignan ni Siance, kaso natawa lang ako sa itsura niya. Halatang gusto niya na akong hampasin ng tray. Lumalaki rin yung butas ng ilong niya, which happens everytime napipikon siya.
"Anong pinagkaiba ng tarantado sa tarantada, aber?!" sigaw niya sa akin habang nahawak parin sa tray.
Inikot-ikot ko yung baso. "Yung isa may -do sa ending habang yung isa may -da," tumingin ako sa baso. "Obvious naman siguro 'yun, diba?" I teased her more.
"No shit, Angel!" she sarcastically spit out, sumulyap ako sa kanya. I caught her roll her eyes. "Lahat naman ng tao alam 'yan, hindi sila tanga," pikon niyang sambit.
"E 'di wag kang mag tanong kung alam mo pala."
Huminga ng malalim si Siance. "You know what, let's just forget about it," she released the tray from her grip. Ang awa ko sa tray na 'yun. Walang ginagawa pero pinagbubuntungan ng galit.
Pero parang wirdo ata si Siance ngayon. Kailan pa nagpatalo ang Orangutan na 'to? Hindi man lang nakalast ng 15 minutes ang paglalait niya sa akin. Mukhang may sakit ata siya sa utak ngayon at kailangan kong idaan siya sa mental.
"Hm..," I fixed my gazed to her.
Ginulo-gulo ni Siance ang buhok niya, napataas kilay naman ako sa baliw na 'to. She's even whispering some words, but I can't hear it dahil may malaking grupo na customers ang biglang pumasok sa cafe shop.
I gave my attention to them, due to my irritation of them being loud. Isa-isa ko silang sinundan ng tingin at may parang namukhaan ako dun sa customers. His arms are wrapped around a girl's shoulder, kissing her cheek like what he always does to the woman he plays with.
Sa masamang palad, nagtama ang mata namin. Pinandilatan ko siya, sabay umiwas siya ng tingin sa akin. Ano na naman bang ginagawa ng lalaking 'yun? Tumakas na naman sa Underground.

BINABASA MO ANG
The Untamable Woman
General FictionThey are both independent individuals. She's a freelancer. He's a tycoon. She's rebellious. He's serious. She's known in the underground world. He's known in the business world. No one can control her. No one can defy him. She is untamable. He i...