"Know your place, Viper," tinignan ko siya ng masama. "Masama akong maging kalaban lalo na't ganito ang sitwasyon ko," paalala ko sa kanyang nagpahawak sa lalayan ng damit niya
Tumango siya. "T-tandaan ko 'yan, Angel," bahagya siyang napalunok. "P-pagsasabihan ko rin ang mga kasama ko. Ulit, patawarin mo ako sa gulong ginawa ng g-grupo ko sa grupo mo."
Tumayo na ako sa pagkaupo ko't binulsa ang mga kamay ko sa harapang bulsa ng pantalon ko. Tinanguan ko siya bilang sagot dahil parang naiintindihan niya naman ang gusto kong mangyari.
"Palalampasin ko 'to, Viper," I paused. "Ngunit sa susunod na may masaktan pa sa mga miyembro ko.. Asahan mong uunahin kitang dadalhin sa kabaong mo. At hindi ako magdadalawang isip na isunod ang mga miyembro mo," pananakot ko sa kanila habang isa-isa ko silang tinignan.
Nakamarka ang takot sa kanya-kanya nilang mukha. Kaya napangisi ako't tinalikuran ko na sila. Sinilyapan ko si Bianca na ngayon ay masamang nakatingin kay Viper.
"Tama na 'yan, Bianca," pagpigil ko sa kanya at umiba ang expression niya. Sabay tingin sa akin. "Aalis na tayo," sabi ko.
"Pero paano yung ginawa nila kay Sed at Ned?" taka niyang tanong.
"Aalis na tayo," ulit kong sagot sa kanya.
Bianca clenched her fist tight. "Wag mong sabihin palalampasin mo talaga ang nangyari?" she snarled at me.
"Ang sabi ko aalis na tayo. Umintindi ka, Bianca," seryoso kong sabi.
"Fine," she stump her feet to turn herself away from me. "Akala ko pa naman nakakatakot ka," she paused. "Nagkamali pala ako," dagdag niya't tuluyan ng umalis.
Napabuntong hininga ako. "Tara na," aya ko sa kasamahan ko't umalis na rin kami.
Sa ginagawa ni Bianca, mas lalong hindi ko siya maintindihan. Dati isang salita ko lang ay sinusunod niya pero ngayon parang kinukontra na rin niya ako. Wala na ba talaga akong pwedeng pagkatiwalaan? Wala na ba talagang makikinig sa akin at gusto na lang nilang magalit ako?
Kailangan ko ba talagang magalit sa kanila para ipaintinding seryoso ako sa mga pinagsasabi ko? Kasi nakakasawang magalit ng paulit-ulit na lang. Bakit, ano ba ang mangyayari pag nagalit pa ako? Wala naman ah.
It'll just create more chaos around me, and I am sick of it. Suyang-suya na ako sa ganitong buhay. Lagi na lang may nasasaktan, laging may kaaway, laging nagtatago, at laging may namamatay.
For once, I want something extraordinary. Rather, I want to have a normal life from this kind of life I am having now. Gusto kong makahinga ng maluwag at hindi kailangan mag kunwaring ayos lang ako. Dahil sa totoo lang, sakal na sakal na ako sa ganitong buhay. Nakakawalang ganang mabuhay.
Pinaikot-ikot ko ang hawak kong bote ng beer habang nakatingin sa bonfire na nasa gitna ko. Inimbeta ako ni Siance sa isang hang out nila ng kaibigan niya dito sa dagat. It's a night hang out, at madaming lamok na kumakagat sa kamay ko ngayon.
Nakakabwiset man isipin pero kailangan kong tiisin. Bukod kasi sa kaibigan ni Siance, andito rin si Blaze. Nakaupo siya sa kabilang side kung saan ako nakaupo. At katulad ko, may hawak rin siyang bote ng beer.
May kausap siyang babae na dinaig pa ang taong grasa sa kulang ng damit na suot niya. Iniisip ko nga kung nararamdaman niya pa yung malamig na hangin sa suot niya e. Kasi ako, kahit nakaputing v-neck at itim gym capris na ako e lamig na lamig ako.
"Mga titig mo, demonyo," rinig kong bulong ni Siance. "Baka unahan mo pa ang lamig sa pagpatay sa kanya sa ginagawa mo."
Tinungga ko yung beer at nagsalita. "Wag kang magalala, hihintayin ko siyang manigas sa lamig bago ko siya patayin sa mga titig ko."
BINABASA MO ANG
The Untamable Woman
Fiksi UmumThey are both independent individuals. She's a freelancer. He's a tycoon. She's rebellious. He's serious. She's known in the underground world. He's known in the business world. No one can control her. No one can defy him. She is untamable. He i...