22

213 3 2
                                        

Aaminin ko, ngayon lang ata ako nagising ng masaya. Yung hindi nakakunot ang noo ko at gusto kong bumangon sa kama para ipagluto ang isang tao. Stress free at maganda ang mood. May kakaiba sa nararamdaman ko ngayon kaysa sa dati.

Who wouldn't feel this way, kung paggising mo ang una mong makikita ay yung isang tao na siguro ay mahal mo na? Yung ang higpit ng yakap niya sayo tapos pag sinubukan mong alisin e binabalik parin. Ang sarap kaya sa pakiramdam ng ganun, ayaw ka niyang pakawalan.

Sana nga 'di niya na ako pakawalan.

"Good morning."

Rinig ko sa boses ni Blaze kaya napalingon ako sa kanya habang hawak yung spatula sa kanang kamay ko, tapos yung kaliwa sa hawakan ng frying pan.

Naglakad palapit si Blaze sa'kin at hinalikan ako sa noo ko. Then he wrap his arms around my waist, back hugging me with his head resting on my shoulder. Binalik ko ang tingin ko sa niluluto ko.

"I was planning to cook for you, but you were too stubborn to stay in bed," namamaos niyang binulong sa tainga ko. Kakagising niya lang kaya ganyan ang boses niya.

"Ang sarap kasi ng tulog mo. Ayaw ko namang gisingin ka," sagot ko sa kanya't tinurn over yung spam.

"Dahil kasama kita," hinalikan niya ang pisngi ko. "Kaya masarap ang tulog ko," dagdag niya.

Alam ko wala sa bokabularyo ko ang salitang kilig pero ganun ang nararamdaman ko sa mga pinaggagawa ng lalaking ito. Parang ngayon lang nakatulog ng may kasama e tiyak ko may kasama 'tong matulog nung bata siya.

"Sus! Bolero," I chuckled. "Ang sabihin mo tinamad ka lang bumangon," tukso ko sa kanya.

"Not true. Sino ang tatamarin na bumangon kung kasing ganda mo ang makikita niya sa umaga? Only someone who doesn't love you will be able to do that," sagot ni Blaze.

"E bakit ngayon ka lang bumangon kung ganun?" sumilip ako sa kanya. "Ibig sabihin hindi mo ako mahal?"

"Haha. Silly. Wala ako sinasabi ng ganyan," he chuckled. "Ikaw lang ang mahal ko. Wala ng iba pa," pagkangiti niya nakita ko ang paglabas ng mga dimples niya.

May babe ka pa. Nakakalimutan mo na ba 'yun?

Nginitian ko siya pabalik. "Pasalamat ka may dimples ka," sabi ko naman.

"Salamat," agad niyang sabi.

Pagkatapos kong magluto ng pagkain namin, kumain na kaming dalawa. Lumaki atang bolero 'tong si Blaze e. Spam and egg lang ang niluto ko pero kung anu-ano na ang pinagsasabi. Akala mo kumakain ng steak na galing sa five-star restaurant.

"Alam mo, masyado mo na akong binobola," sabi ko sa kanya.

Lumunok siya. "Why? Totoo naman ang sinasabi ko," sabay subo ulit ng pagkain.

"Spam and egg lang 'yan pero kung makareact ka akala mo galing sa mamahaling restaurant," umiling-iling ako.

"Para sa'kin galing talaga sa mamahalin restaurant 'to," he paused for second. "Nanggaling sa taong mahal ako," korny niyang pagbanat sa'kin.

Napapokerface ako. "Nakailang banat ka na, Blaze. Last mo na 'yan."

"Hindi banat 'yun. Totoo ang sinasabi ko," inabot ni Blaze ang kanang kamay ko't hinawakan 'to. "Mahal mo ako kaya para sa'kin especial ang niluto mo, kahit spam and egg lang."

Nasaan ang martilyo para mapokpok ko ang ulo naming dalawa. Baka nananginip lang kami kaya ang korny niya.

"Sinong nagsabi na mahal kita?" pabiro akong nagsungit sa kanya.

The Untamable WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon