Argh! Shit. Get your head together, Angel.
Nilukot ko ang papel na hawak ko at tinapon sa basurahang malapit sa pintuan ng kwarto ko. Nasa bahay ako dahil hindi ako makapagtrabaho sa opisina ng maayos. Pagkatapos ng meeting namin nila Spade, nawala ang pagfofocus ko sa trabaho.
Gulong-gulo na ang isipan ko sa nangyayare sa Underground. Parang hinintay lang ang pagalis ko dun para mangyare ang lahat ng 'to. Yung tipong dapat ang nasa isipan ko lang ay kung paano ko madidistract si Mom subali't nagkaroon pa ng ganitong problema. Ayos na nga sana e, kaunti na lang pwede na akong bumalik sa Underground kaso nawala pa ang chance ko.
"Angel?" katok ni Mom sa pintuan.
"Wait lang, Mom," I hurriedly put my stuff on a folder, at pinasok sa drawer ng computer desk ko. I slightly turned my swivel chair. "Pasok," dagdag ko ng sinabi.
Bumukas ang pintuan at pumasok si Mom na may dala-dalang pagkain. Nakangiti niya akong nilapitan tsaka binaba ang pagkain ko sa itaas ng lamesa. Pinagmasdan ko ng mabuti si Mom at nakamarka sa mukha niya ang pagod.
Ngayon ko na lang siya nakita ng ganito simula ng itake over ko ang kompanya niya. Kailan pa tumanda si Mom? Kailan pa siya nagkaroon ng eyebags at dark circles? Dati naman hindi ganyan si Mom. Lagi niyang inaalagaan ang sarili niya.
"Kumain ka muna, 'nak," paos niyang sambit sa'kin. Kahit ganyan ang boses niya she's still trying to speak.
Tumango ako. "S-salamat," nahihiya kong sagot, sabay kuha nung tinidor. I kind of hesitated when I saw what kind of cake it is she has given me. Nakalimutan na ata ni Mom na allergic ako sa strawberry at si Gardenia lang ang may paborito neto.
Si Gardenia na naman ang nasa isipan niya.. Kaya hindi ako nagpapakita e.
"Kumusta ang trabaho mo sa kompanya? Ayos lang ba? Madami ka bang ginagawa? Pinapahirapan ka ba ng mga empleado mo o 'di kaya pinapasakit nila ang ulo mo?" sunod-sunod niyang tanong sa'kin.
I took a slice of the cake at sinubo ito. I'll deal with the allergy reaction later.
"It's fine. Medyo nakakastress lang pero nothing that I can't handle," hirap kong nilunok yung cake. "Everyone has been helpful with the things I need. Kaya hindi niyo kailangan magalala," sabi ko sa kanya.
"Mhm.. That's good to hear," napasulyap ako kay Mom ng mapansin kong tumitingin-tingin siya sa kwarto ko.
"Yeah," awkward ko ng sinabi. Kumuha ulit ako ng isang slice ng cake. Kahit bawal sa'kin 'to hindi ko ipagkakait na namiss ko ang pagbebake ni Mom. Badtrip nga lang dahil kung ano pa ang ginawa niya, ayon pa ang pwedeng pumatay sa'kin.
"Ilang taon ko na rin hindi napupuntahan 'tong kwarto mo.. Nagbago na pala ngayon. Hindi na katulad dati na magkapareho kayo ng Ate mo," malungkot niyang saad. "Dati makulay ang kwarto mo, ngayon dadalawang kulay na lang ang makikita mo," dagdag niya.
"Not everything needs to stay the same," bulong ko pero alam kong narinig niya parin.
Kunwaring ngumiti si Mom. "T-tama ka.. Ano ba 'tong sinasabi ko.."
If you're wondering whose closer with my mom nung nabubuhay pa si Gardenia, then the answer would obviously be Gardenia. They always have a bonding time with each other, pati secret ni Gardenia alam ni Mom. Kaso ako? Itinulak ko ang sarili ko palayo sa buhay ni Mom.
"May kailangan pa ba kayo? Kasi kung wala na, may tatapusin pa ako," napakamot ako sa bandang balikat ko. Nasasaktan napayuko si Mom na akala niya ay 'di ko nakita.
Hindi ako malambing sa mga magulang ko. Never ko rin pinakita na kailangan ko sila. Mas lalo ng hindi ako showy sa kanila. But I do respect them, kahit hindi halata. Mahalaga ang pamilya ko sa'kin pero never ko naramdaman ang pagmamahal nila sa'kin dahil between my Mom and Dad, they both have their own favorites. Si Gardenia ay kay Mom at si Daemon ay kay Dad.
![](https://img.wattpad.com/cover/69350051-288-k551675.jpg)
BINABASA MO ANG
The Untamable Woman
Fiksi UmumThey are both independent individuals. She's a freelancer. He's a tycoon. She's rebellious. He's serious. She's known in the underground world. He's known in the business world. No one can control her. No one can defy him. She is untamable. He i...