18

165 4 0
                                        

I arrived on the meeting place Spade has sent out. It's a somewhat warehouse that has been isolated. Although, the smell of this place is not very forgiving. Parang ginamit upang pumatay ng baboy o tao. Kaunti na lang ata ay magigiba na sa luma neto, at halos may mga biyak na sa pader. May sapot pa sa kisame, marahil sa wala ng naglilinis dito. 

Saglit kong tinakpan ang ilong ko dahil sa baho. Kapagpumunta ka dito at mahina ang lakas ng loob mo, tiyak ko nagkakandarapan ka ng umalis dito. Nakakahilo rin kasi ang amoy ng kung ano pinatay o tinapon dito. Ang masaklap pa dun, ako ang naunang makarating dito. 

Sa lahat-lahat ng pwede namin pagkitaan, dito sa lugar na 'to pa talaga. Magaling ka Spade. Sobra. 

"What the fuck is that smell?" nag echo ang boses ni Sed sa buong lugar. Humarap ako sa kanya, at saktong kasama niya si Ned. Pareho silang nakatakip sa ilong nila gamit ang panyo. 

"Anong klase na lugar 'to, Pres? Nakakasuka ang amoy," huminto sila sa harapan ko. "Siguro ba si Spade na makakapagusap tayo dito?" nandidiri niyang tinignan ang buong lugar. 

"Wag niyo akong tanungin. Wala akong kinalaman sa meeting place na ito," sinubukan kong huminga kaso 'di ko talaga kinaya. Binalik ko ang mask na gamit ko kanina. "Shit. Nakakapatay," inis kong dagadag. 

Sana lang may dahilan si Spade kung bakit niya pinili ang warehouse na 'to. Pag wala, 'di ako magdadalawang isip na suntukin siya sa mukha. 

"Pres- uwah!" napatakip ng bunganga si Rin at halos masuka na. 

"Gago ka Rin! Wag mo babanggitin ang pangalan ko kung masusuka ka rin pala!" irita kong sigaw sa kanya. 

Rin's face turned pale. "P-Pres... B-bakit ganito ang amoy ng l-lugar na 'to?" sinusubukan niyang itanong. 

Hinawakan ni Ned at Sed si Rin sa may balikat. Yung tipong sinubukan nila siyang patigilin sa balak niyang sumuka at dumagdag pa sa mabahong amoy dito. Napakunot ako ng noo ko at 'di nakasagot kaagad sa kanya. 

I'm trying to get used to the smell, but my sense of smell is just too strong for this kind of place. Sensitive pa naman ang pagamoy ko. Kaya minsan 'di ako sumasama sa kahit anong misyon kung may patay na e. Masyadong mabaho at malansa. 

"Ewan ko, Rin. Si Spade lang ang makakasagot sa tanong mo," wala na sa sarili kong sinagot sa kanya. 

"Pwede naman sa hotel, pero dito pa niya gusto," lumunok ng kaunti si Sed.

"Nasaan na ba siya?" takang tanong ni Ned. 

I checked my wrist watch. Magiisang oras na akong andito pero wala parin si Spade. Is he bailing on us? Kasi kung oo, ipapahunt down ko na siya bilang traidor sa Underground. And no, hindi ako takot para ipagawa iyon kahit sabihin nilang si Bianca lamang ang may karapatan na utusan sila. 

Fuck, Bianca. She'll get a taste of her own medicine soon. 

"Nga pala," sabi ko sa kanilang tatlo. "Sinabi ni Ned, simula ng umalis ako sa Underground e nawala na rin si Bianca. Paano siya naging acting President? Sa pagkakaalam ko kung wala ang Sergeant, ibig sabihin ang Secretary ang magiging acting President until the real President comes back," I paused para salitan silang tignan. "Paano nangyare 'yun?" 

"Oo, nawala rin si Bianca nung umalis ka, pero ng makalipas ang ilang araw bumalik rin siya. Saktong pagkabalik niya ay nawala si Spade," sabi ni Sed. 

"At dun na nagsimula ang lahat ng gulo na nangyayare sa Underground," hirap na saad ni Rin. 

"Anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong tinginan si Rin. 

Umubo muna siya bago magsalita. "Ilang araw namin hinintay ang pagbalik ni Spade sa Underground, pero ni minsan hindi na siya nagpakita pa- bukod nung nagpatawag siya ng meeting. Kaya napagdesisyonan ng lahat na isasagawa namin ang pagboboto kung sino ang papalit sakanya bilang Acting President," pagkwento ni Rin. 

The Untamable WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon