30

196 2 2
                                        

Akala ko pag hindi ko dinamay ang kahit na sinong malapit sa'kin walang mawawala. Akala ko pag naging masama ako sa mga mata ng tao magiging maayos ang buhay ko- nila. Ayun pala, hanggang akala lang ang mga 'yun.

"Are you finish filling everything up, Ma'am?" tanong ng Nurse sa'kin.

I slightly nodded. "Y-yeah..," wala sa sarili ko na sagot.

Kinuha niya ang clipboard sa akin pati ang ballpen, tsaka niya ito chineck kung kompleto. Habang ako, hanggang ngayon ay tulala lamang.

"Ma'am ka ano-ano niyo po si Mr. Daemon Cordova Escalante?" tanong niya ulit sa akin. Tinignan ko naman siya.

"Kapatid," tipid kong sagot.

"Ah okay po," napaclear siya ng lalamunan niya. "Gusto ko lang po kayong iinform na kadadating lang po ng Father niyo, and he is currently waiting for you sa kwarto po ng kapatid mo," balita niyang hindi ko nagustuhan.

Bakit ako matutuwa kung puro pagsisisi ang maririnig ko kay Dad. Ayon lang naman ang ginawa niya buong buhay ko. Pati sa pagkamatay ni Ate Gardenia ako ang sinisi kahit alam niya ang katotohanan.

Life has never been fair to me. It hasn't given me anything worth living. Puro kamalasan at sakit na lang ang nakukuha ko. Naiinis ako.

"Siya lang ba ang andito?" tanong ko sa Nurse. 

Tumango siya. "Yes, Ma'am," sagot niya.

"Thanks," matamlay kong sagot at umalis na sa harapan niya. Kaya lang naman sinabi sa akin ng Nurse iyon para ipaalam na gusto akong makita ni Dad. 

Siguro mabuti ng wala muna si Mom dito. I know she will not be able to handle this. Pagkatapos mawala si Ate Gardenia, kailangan niya ba ulit mawalan ng anak? Paano pa kaya kung malaman niyang may kinalaman ako sa nangyari? Baka ako lang ang matiis niyang mawala sa buhay niya. 

I have been a horrible daughter to her and Dad. Ako lang naman ang demonyo sa'min, pero ginawa ko lang iyon para maprotektahan sila. Para hindi sila madamay sa buhay kong sumpa. Subali't kahit sabihin ko sa kanila iyon, wala naman makakaintindi sa akin. 

-x-

Huminga ako ng malalim tsaka binuksan ang pintuan ng kwarto ni Daemon. Bumungad sa'kin si Dad na nakaupo sa tabi ni Daemon na may hawak na cellphone. By the look on his face, I figure he already found out what caused Daemon to be that way. 

"Dad," I called him as I close the door behind me ng tuluyan akong pumasok sa kwarto. He did not take his eyes off his phone, pero sinagot parin niya ako. 

"I thought I made myself clear when I said to stay away from those people who were close to you," the tone on his voice screamed anger. 

Unti-unti akong lumapit sa kanya. "Sinubukan ko naman, Dad. Lumayo naman ako sa kanila kahit alam ko na mahihirapan ak-"

"Kung ganun, bakit andito sa ospital ang kapatid mo at nagaagaw buhay?" lumingon siya sa'kin. Ang mata niya ay nagliliyab sa galit, dahilan para mapatigil ako sa paglalapit. 

Nangyayari na naman ulit. The way his looking at me was the same when Ate died. Full of hatred, disgust, and anger. 

Yumuko ako. "I'm sorry..," ayan lamang ang nasabi ko. 

"Sorry? Anong magagawa ng sorry mo, huh?" narinig kong umurong ang upuan niya. "Fuck, Angel! Pinalagpas ko ang nangyari sa Ate mo dahil alam kong kasalanan ko rin iyon. Sinisi ko ang sarili ko sa nangyari, pero bakit nangyayari na naman 'to, Angel?!" sigaw niya sa'kin. 

I flinched dahil sa takot. Dapat sanay na ako sa mga sigaw niya, ngunit iba 'to sa mga sigaw niya sa akin dati. This time, alam ko na ako ang may kasalanan at ako ang sinisisi. Kaya hindi ko siya pwedeng sagutin at kalabanin. 

The Untamable WomanMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon