33-Flashback

225 5 3
                                    

A/N: Last part of the Flashback. 

-----------------

Nagmadali akong sumunod sa ospital nang kunin ng ambulansya si Ate Gardenia kasama sila Kuya Ivan. Sa totoo lang, nanghihina akong mag drive ng motor kanina. Pakiramdam ko nga e mababangga ako sa ibang sasakyan sa pagkareckless ko. Subalit 'di niyo naman ako masisisi. 

Ang Ate ko na walang kamalay-malay e binunggo ng kung sino man. Ni hindi man lang lumabas yung hayop na 'yun, basta na lang umalis na parang walang nangyari. But that's just the thing though, nararamdaman ko sa sikmura ko na si Bianca mismo ang nagutos sa hayop na 'yun. 

Ang hindi ko lang maintindihan, bakit ba gustong ituloy ni Bianca ang pagpatay kay Ate? I called it off pero binabaan niya lang ako. Ang masama pa dun, alam ko kung sino ang hayop na ginamit niya para lang mabunggo si Ate Gardenia. 

Napaliko ako ng lakad nang mahagilap ng mga mata ko sila Kuya Ivan at Alethea. Both of them are talking to Doc Xian with tears rolling down their cheeks. I can't help, but to feel guilty. Alam kong kasalanan ko ang nangyari pero sinubukan ko namang pigilan. 

Talagang kasalanan ko ang lahat ng ito. I won't even blame anyone for my failure of trying to protect those I cared about. Kung mumultuhin man ako ni Ate, ayos lang sa akin dahil I deserve to be haunted by her.

"Doc Xian, s-si Gardenia po..," umiiyak na pananalita ni Kuya Ivan. 

"Ivan.. I-I'm-"

"Hindi Doc!" hinawakan ng mahigpit ni Kuya Ivan si Doc Xian sa sleeves niya.

Humawak naman si Alethea kay Kuya Ivan. "Ivan bitawan mo si Doc. P-please... Titigilan mo na 'yan..," pagmamakaawa niya. 

Hindi ko na naiwasang mapaluha sa nakikita ko. I can't believe I just made their happy life into a living nightmare. Ako na talaga ang pinakamasama sa kanilang lahat. Sana ako na lang ang nandun sa listahan kesa kay Ate. 

Sana ako na lang. Tutal mas gusto naman ng Ama ko na 'di ako nakikita dahil para sa kanila isa akong laruan na pwede niyang gamitin. At least pag ako ang nawala, hindi sila malulungkot at iiyak. 

"I-I can't, Alethea. I can never stop this," his grip loosen a bit. "Parehong nawala ang dalawang pinakaimportante sa buhay ko, Alethea," Kuya Ivan's hand fell to his side. 

"Ivan no one wanted this to happen to Gardenia," sabi ni Doc Xian. "It's just life being life." 

"But I promise to protect them, yet I failed..," nanghihina niyang sambit. 

No, Kuya. Ako ang pumalpak. Hindi ikaw.

"You did not fail, Ivan. Sometimes there are things we can not control in this world. Kahit ilang beses mo itong subukan na pigilan, mangyayari at mangyayari ito," Doc Xian patted Ivan's shoulder. "Not even traveling back in time will save them. In the end, whatever is bound to happen to them, will happen," he spoke like it's from his own experience. 

I can't blame him. He spoke the truth. Kahit na bumalik ako sa nakaraan, when I signed those damn papers,  walang kasiguraduhan ang pagligtas ko kay Ate. They will still go after her for trying to lurk around Underground. 

Business world and Underground can never get involve with one another. We were never meant to be mixed with each other. Dahil pag naghalo ang Underground at business, mas dadami ang illegal na kompanya. Mas madami ang mamatay dahil lang sa pera at makasarili nilang dahilan. 

"Pero D-Doc, hindi pa nakakalabas ang anak namin para mamatay siya. Our child has not experience the love Gardenia and I were suppose to show. Yet our child was already taken from us- from me!" he cried that broke my heart. 

"Kuya Ivan..," banggit ni Alethea. "Kahit naman kami nahihirapan sa nangyayari. G-gusto pa din namin silang makasama pero ito na 'yun. Andito na tayo sa punto ng buhay niya. We have to a-accept reality na wa.. wala na sila..," she said sabay takip ng mukha niya. 

"I'm sorry, Ivan, but Alethea is right. We have to accept Gardenia and your child's death," pagkasabi ni Doc Xian 'yun, napansin kong napasulyap siya sa akin kaya naman nagtago pa ako. "Time of Death: 9:25 p.m."

Huli kong narinig galing kay Doc Xian na naging dahilan para mapaupo ako sa pwesto ko't umyiak ng umiyak. Patay na talaga si Ate Gardenia. Hindi ko na siya ulit mahahawakan at 'di ko na rin makikitang lumaki ang anak niya. 

"S-sorry.. Kuya Ivan.. Mom.. Daemon.. Alethea..," lumunok ako. "D-Dad.. I am so sorry..," I cried out in whisper.

-x-

Nanginginig akong pumasok sa isang kwarto kung nasaan si Ate Gardenia. Hanggang ngayon tumutulo parin ang mga luha kong dapat ay kanina pang naubos. Lahat ng lakas ko umalis na sa katawan ko sa sobrang hina ko. 

Ni hindi ko nga alam kung ano pa ba ang masasabi ko kay Ate. Kahit mag sorry ako 'di niya ako mapapatawad. Lumuhod man ako sa harapan niya, she won't be coming back to us. Siguro nga pati 'tong pagluha ko wala ding kwenta, pero kahit subukan kong wag umiyak, iiyak parin ako. 

"Wala talaga akong kwentang tao.. Sarili kong kapatid nagawa kong ipapatay. All because I became the President of that hell hole..," hinawakan ko ang kamay ni Ate. "Sorry ah, Ate. Hindi ko naman ginustong mangyari 'to e. Kung pinigilan ko 'to ng mas maaga at nailayo kayo, sana 'di ka mawawala," mahina kong sabi kay Ate. 

Pinagmasdan ko ang mukha niya. Di ko maiwasang isipin na mayamaya e magigising na siya. Yung tipong sasabihin niya na nagiging creepy na ako dahil nagdradrama ako. Tutuksuhin niya akong 'di bagay sa akin ang maging ganito. Subalit hindi e, hindi na magigising si Ate. Habang buhay na siyang matutulog. 

"Ate... Please.. kahit alam kong wala ka na.. please naman oh.. Sabihin mong nagkukunwari ka lang," nilapit ko sa pisngi ko ang kamay niya. "Sabihin mong creepy ako dahil umiiyak ako ngayon. P-please naman oh... Gumalaw ka please.. B-bumalik ka na." 

Ngunit kahit gaano ako magmakaawa sa kanya hindi siya gumagalaw. Hindi na talaga siya babalik sa amin. Wala na ang pinakamamahal kong Ate na laging andyan para sa amin. I will never be able to hear her voice or see her anymore. 

What's worse is that not only did I break Kuya Ivan's heart, but also my own mother's heart. I took someone very special and dear to her. I can't even confess the sin that I have commited to her. 

Napalingon ako sa likod ko ng maramdaman ko ang isang hawak sa balikat ko. Isang tao na 'di ko nanaiising makita ngayon. Kamukha niya si Kamatay sa ayos niya, pero buhay siya't humihinga. 

"President, kailangan mo ng umalis," his deep voice commanded. 

Umiling ako. "A-ayoko. H-hindi ako aalis dito," pag didisobey ko sa kanya. 

"I am sorry President, but the Chairman strictly ordered for your removal from the hospital, and guard you to the airport for own safety," sabi niyang ikinagalit ko. 

Napasinghal ako. "Ha.. So ganun? Gusto ng magaling kong ama na umalis ako ng bansa to protect me? Ganun ba 'yun?" sumingkit ang mga mata ko. 

He nodded. "Yes, President. Siya na daw po ang bahala pag hinanap ka ng pamilya mo," he answered. 

Napakagat ako ng labi ko. "No. T-that's not happening," pag refuse ko. 

"I'm sorry, President," sambit niya't naglabas siya ng baril at itinutok ito sa akin. "Pero pag 'di niyo po sinusunod ang utos ni Chairman, mapipilitan po akong gamitin 'to," he threaten me. 

Kamamatay lang ni Ate Gardenia pero gusto niya paring mawalan ng isa pang anak. Sabagay, matagal niya ng ginagawa sa akin. Lagi akong inaalis sa mga importanteng pangyayari sa buhay nila. 

"Fine. I'll go," inalis ko ang tingin sa lalaking iyon at binalik kay Ate. "Hanggang dito na lang ako Ate. Sorry kung 'di ako naging mabuting kapatid sayo. Mahal na mahal kita, Ate. Mahal na mahal," whispered to her. Inalis ko ang pagkahawak kay Ate Gardenia at hinalikan ko ang noo niya. 

"President, tara na po," sabi niya. 

I nodded, but before I can go, may nilabas akong bulaklak na pinakuha ko kay Sed kanina bago pa ako pumunta dito. I placed the flower on her chest area and took her hand para hawakan niya ito.

"A Gardenia as a sign of my farewell," hinalikan ko siya sa pisngi niya. "Paalam, pinakamamahal kong Ate."

The Untamable WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon